EPILOGUE
A year later…
NAALIMPUNGATAN si Frost nang maramdaman ang init mula sa tama ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata na siyang maliwanag na kalangitan ang bungad. Bahagya pa siyang napapikit muli dahil sa silaw.
Tamad siyang bumangon mula sa malambot na lupa tsaka lumipat ng pwesto kung saan hindi maabot ng sinag ng araw. Muli siyang humiga at ginawang unan ang bag na isinandal niya sa malaking ugat ng puno.
Antok na antok pa siya. Hindi niya magawang makatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw. At lalo naman kagabi, hindi talaga siya nakatulog dahil sa araw na 'to.
Bigla naman lumitaw sa kanyang isipan ang imahe ng nag-iisang babae na minahal niya ng sobra.Muli siyang napadilat at napatulala sa langit.
“Are you looking at me right now? How are you doing up there?”
Napabuntong-hininga naman si Frost at umupo. Kinuha niya sa loob ng bag ang biniling sandwich kaninang umaga na ngayon palang kakainin tanghali na. Bunuksan niya ito at agad kinagatan habang pinagmasdan ang paligid—mga estudyantng may kanya-kanyang gawain. Hindi pa ganon karami dahil oras pa ng klase. Hindi siya pumasok ngayon at tumambay lang sa labas at natulog.
Wala siyang gana at wala rin naman siyang maiintindihan dahil lutang siya ngayon. Ayaw niya rin mapagalitan ng prof kung makatulog lang din siya sa klase.
Tinanaw niya ang malaking field sa harap. May mga nag te-training doon mula sa soccer team. May kakaonti rin na nanonood sa mga ito na nakaupo sa bleachers di kalayuan. Meron rin mga nag lalakad malapit sa pwesto niya at hindi naman na siya nagulat na kung nag nanakaw ang mga ito ng tingin sa kanya, ang iba pa ay nag papapansin at pasimpling kinukuha ang atensyon niya kahit alam naman ng mga 'to na hindi siya interesado. Hindi niya na pinansin ang mga ito at pinagpatuloy nalang ang pagkain habang nakatanaw sa malayo.
He's still in college. They are still in college. Pero ito na ang huling taon niya. Ga-graduate na sila, dalawang semester nalang. Pagkatapos rin ng ilang taon na na-stuck sa kolehiyo, sa wakas makakakuha narin siya ng diploma.
Marami ang nangyari sa mga nakalipas na buwan. Sobrang nakakapanibago dahil ang tagal nilang hindi nakalabas. Ang dami agad nag-bago. Seems like everything is new again. More adjustments. That includes acceptance, healing and moving on.
Nang makalabas sila, walang ginawa ang mga kaibigan niya kundi hilahin siya kung saan-saan. Halos malibot na yata nila ang Luzon kahit wala silang pera basta lakad lang. Kaya din siguro mabilis niyang natatanggap dahil hindi siya hinayaan mag-mukmok ng mga kaibigan niya.
They're unbelievable.
Baka daw kasi panaginip lang lahat kaya sinulit na nila. Pati tuloy ipon na allowance nila nasulit.
Pag-katapos rin ng mga nangyari noon, may isang organisasyon na kumuha sa kanila at nag-alok na tulungan lahat ng estudyanteng willing pa mag-aral at makatapos. They don’t know how but they manage to find ways so that they could enter new university. A normal one, without questioning them the happenings on their previous school. After several test that literally gave them headaches, they passed and they’re now graduating.
That organization is powerful. They are also the one behind the reason why there’s no news or anything breakouts about Mavros University. People are curious but not even a single issue. They manage to clean everything quick and smooth too.
BINABASA MO ANG
SNOW WHITE
Action(The Reapers Series #1) A troublemaker who wants to get the attention of her brothers. After making another trouble from her previous school, she was sent to a new school which she didn't expect what awaits her inside. A mysterious school that she c...