Apple 15 : Forest of Death

18.9K 708 61
                                    



15 : Forest of Death



SNOW WHITE


Umalis na ko sa cafeteria matapos ang eksenang iyon, ayoko ng masyadong atensyon. Hindi ko na tinuloy ang pagkain, nawalan na ko ng gana. Bwisit na babae 'yon. Isa nalang talaga at makakatikim na siya. Ilang beses ko na pinipigilan ang sarili kong pugutan siya ng ulo dapat pala itinuloy ko na kanina para nabawasan na ang peste sa lugar na 'to.

I don't know where my feet brought me, I just found myself standing infront of a tall and large fence. Weird. Sa likod na malaking bakod ay isang madilim at mukang malawak na gubat ang nandoon. Kahit maaga pa kapansin-pansin na delikado ang gubat na iyon. Sa lalaki ba naman ng puno at matataas halos matakpan na nito ang langit kaya wala masyadong tumatama na ilaw sa loob nito kaya sobrang dilim niya.

Cool, I want to enter kahit na may nakalagay na "Do not Enter" sign. The forest smells like hell. I can feel that a lot has happened inside of it, mostly... deaths.

Dahil rule breaker ako... I choose to enter. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng gubat nang makarinig ako ng kaluskusan sa likod ko. I also felt a lot of presence. Nakarinig ako ng mga tawanan kasunod ng pagsara at pagkandado ng pinasukan ko. Lumingon ako sa likod at doon ko nakita ang mga lalaking hawak hawak ang pinasukan kong bakod at kinandado ito. Meron pang kadena na nakaikot dito kaya sure akong nakakulong na ko sa gubat na 'to.

Nag tawanan sila sa kalokohang ginawa nila pero wala akong ibang binigay na reaksyon sa kanila. "Ang tanga mo, Miss. Nag kamali ka ng pinasukan mo, mamamatay ka sa gubat na iyan. Mabuti narin at sigurado akong matatalo na namin ang grupo ni Frost dahil mawawalan na siya ng reyna." saad ng isa.

"Pinapadali mo ang trabaho namin, miss, salamat." sabi pa ng isa at nag tawanan muli sila.

Napansin siguro nila na hindi ako natutuwa sa pinag gagagawa at pinag sasasabi nila kaya nahinto sila sa pagtawa.

"Go ahead and lock me up. Siguraduhin niyo lang na hindi na ako makakalabas pa sa gubat na 'to. Dahil kapag nangyari iyon..." napalunok naman sila, "Sisiguraduhin kong sabay-sabay kayong mawawalan ng ulo."

"H- Ha! Wag ka masyadong mayabang, miss. Matagal ng walang nakakalabas ng buhay sa gubat na 'yan ng mag-isa. M- Mamatay ka." sabi ng isa.

"Hmm... really?" tanong ko at tinignan ang madilim na gubat, "Cool, then let's see for ourselves." I said and started to walk towards it.

"S- Seryoso ka ba!?" sigaw ng isa. Napakunot naman ang noo ko pero hindi ako tumigil sa pag lalakad.

"Ang tanga."

"Mamamatay talaga siya."

"Hindi niya alam ang pinapasok niya."

"Dapat ba nating sabihin 'to kay King?"

Napairap nalang ako. Ano ba talaga? Gusto ba nila kong mamatay o mabuhay? Bwisit ang gulo nila. Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi nila nang maramdaman ko ang mga papalayo nilang presensya at syempre tuluyan na kong nakapasok sa loob ng gubat.

I'm right. This must be the Forest of Death that they're talking about. It literally smells death. It smells awful and dry blood. Kadiri. Nasa bungad palang ako ng gubat, paano pa kaya sa loob?

Hindi ko alam kung ilang minuto na ko nag lalakad basta huminto nalang ako at lumingon sa likod ko. I can't see where I came from but nah, I just shrugged. I can feel the thrill rush all over my body. No one else make it alone after entering this forest? Then let me change that history.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon