Apple 44 : The Devil's Lair

7K 271 36
                                    

44 : The Devil's Lair

MABILIS NA kumilos ang grupo ni Frost. Agad silang tumakbo papalayo sa pwesto nila kanina matapos marinig ang pahayag ni Draco.

"Hello!... Hello, Draco-shit answer the damn line!" sigaw ni Von sa hawak na walkie-talkie habang pinapalo-palo ito. Napalingon naman lahat dito. Puro static lang ang naririnig nila at putol-putol na linya kaya hindi nila maintindihan ang pinapahayag mula sa kabila.

"Where the fuck are we suppose to go?" tanong ni Mig habang patuloy na tumatakbo.

"We can't just run and run! Lalo tayong maliligaw!" Sigaw naman ni Luis.

"Leader!"

Napamura naman si Frost sa kanyang isipan. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya kabisado ang gubat at lalong hindi na nila alam kung saan pupunta. Wala na sa plano ang daang tinatahak nila. At ang pang huli, wala silang kaalam alam kung anong nilalang ang humahabol sa kanila lalo na't napakadilim ng paligid.

"Something's coming!" Javier shouted.

Fuck.

Muli silang naalerto at binilisan pa lalo ang takbo ngunit napakabilis rin ng humahabol sa kanila.

"The fuck is that shit?!" tanong ni Von habang nakatuon ang atensyon sa unahan nila. Nanlaki ang mga mata ni Frost at sunod-sunod na napamura. Rinig niyang napamura rin ang nga kasama nang bigla itong tumalon ng mataas at sinalubong si Nex.

"Holyshit!"

"Potan---a!"

"Potek tulog!" sigaw ni Nex.

Agad naman siyang dinaluhan ng iba at ginawa ang lahat upang hindi malapa ang kaibigan. samantalang mabilis na dinukot ni Frost ang M4A1 na nakatago sa kanyang likod at pinaulanan ng bala ang kung ano man ang sumunggab kay Nex.

"Oh shit! Shit! Shit! Shit!" kinikilabutan na ani Nex ng maitulak ang wala ng buhay sa ibabaw niya. Mabilis siyang tumayo at hindi makapaniwalang tinignan ito. "Pota ano 'yan?!" kunot-noo na tanong nito.

Napabuntong hininga naman si Frost at lumapit dito. Sinipa niya ang tiyan ng hayop upang makita nila ang kabuuan nito at inilawan ng flashlight.

"Please tell me that shit is not real." Javier said while pointing it.

Umiling si Frost. "Well it's real. At kung hindi niyo seseryosohin ang mga 'to, siguradong kayo ang magiging hapunan nila." Aniya.

Kunot-noo siyang binalingan ng mga kasama. "You know 'bout this?" tanong ni Von at iniluhod ang isang tuhod upang makita ito ng malapitan.

Tumango siya. "Hindi ito ang unang beses na nakasalamuha ko sila." Aniya. "First is on the night of COG. Kasama ko si Snow nang lumitaw ang katulad niyan sa harapan namin. Nagulat pa nga ako, but Snow seems to have seen it before. Sabi niya nung unang makapasok siya sa gubat ay ang unang kita niya dito."

Napahawak naman sa mga ulo nila ang mga kaibigan niya tila ba hindi makapaniwala. Tumingin si Jacob sa kanya, "kaya ka ba nag request bigla ng mga baril dahil dito?" tumango siya bilang sagot. "Isa 'yon sa dahilan dahil alam kong posible natin sila makasalamuha at tama nga ako. Mahirap silang patayin at alam kong marami pa sila."

"Damn."

"May mas lalala pa pala ang lugar na 'to."

"Kaya lagi kayong maging alerto sa paligid niyo. I can't afford to lose anyone of you, okay?" Frost said while looking around to see if there's still some thing near by.

Napangisi naman sila Von. "Kinilig ako sa last line mo, King." Anito.

Nangunot naman ang noo ng hari bago marealize ang sinabi nito. "Gago." Aniya at nailing.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon