Apple 25 : COG - Thoughts

14.4K 611 158
                                    


Apple 25 : COG – Thoughts




NAALIMPUNGATAN si Frost nang makaramdam na nababasa ang paa niya. Agad siyang nadilat at napatingin sa paanan niya. Basa? Napatingin naman agad siya sa labas na nakitang malakas ang ulan at diretsong umaagos ang tubig papasok sa kwebang pinagtataguan nila.

Napatingin naman siya sa mga kasamahan niyang mukang nagising rin nang dahil sa basang lupa. Tinignan niya naman ang katabi na mukang masarap ang tulog sa mga braso niya. She looks unbothered. She looks more calm while sleeping, like an angel. Kahit labag sa loob niyang gisingin ito ay wala siyang magagawa.

"Snow?" marahan niyang tinapik ang pisngi nito at agad naman nagmulat ng mata ang dalaga. Ramdam naman ni Frost ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya nang magsalubong ang mga mata nila ni Snow. Damn those eyes never fails to take his breathe away.

"Morning, beautiful." He said and smiled.

Snow smiled back and kiss him a good morning. It was quick but enough to make his heart beat faster than ever. "Morning, my king." Gah, that feels good.

"I don't want to wake you up but I need to."

Snow nooded. "It seems so," she said and looked outside, "it's raining." She whispered but since they are so close to each other, he clearly heard what she said.

"Why? May problema ba ikaw sa ulan?" tanong ng binata.

Binalik naman ni Snow ang tingin sa kanya at makabuluhang umangat ng gilid ng labi nito. "Nah, it's just that... raining is my kind of sign." She explained, "it means this day is gonna be a lucky day."

Kumunot naman ang noo ni Frost sa sanabi nito. Balak niya pa sanang tanungin ang dalaga nang tumayo na ito at pinagpagan ang sarili kaya wala siyang nagawa kung hindi tumayo narin at ayusin narin ang sarili.

"Frost," tawag sa kanya ni Yuta, "mukang kakailanganin natin na manatili muna sa loob ng kweba hanggat hindi pa natila ang ulan. It's too heavy, baka madisgrasya pa tayo sa daan." Aniya.

Tumango-tango naman siya at tinignan ang mga kasama niyang sang-ayon at nakaupo sa matataas na bato para hindi mabasa ang mga paa dahil nagsisimula ng bahain ang loob ng kweba. Hinawakan niya naman ang kamay ni Snow at iginaya upang makatungtong sa malaking bato sa likod nila tsaka siya sumunod nang makaakyat na ito rito.

Napatingin naman siya sa dalaga na nakatutok ang mga mata sa tubig na umaagos papasok ng kweba. He sighed, "I believe that you're a lucky person but I also believe and very much sure that we are the opposite." He said.

Napatingin naman sa kanya si Snow at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "I believe, my luck is very powerful. Malay natin magbago ang ihip ng hangin at swertihin kayo."

Nailing naman siya at bahagyang natawa. "Sa dami namin na hindi mapalad, baka ikaw ang tangayin at malasin." Aniya.

Napangiwi naman si Snow sa sinabi niya na lalo niyang ikinatawa. Totoo naman ang sinabi niya. Minsan lang silang swertihin ng grupo niya. Lalo na pagdating sa COG. Sa loob ng isang linggo, wala pang isang oras na paglalakad ay agad silang nakakasalamuha ng mga bagong kalaban kaya isang himala talaga na nakakalabas pa sila matapos ng isang lingo.

If Snow's luck is very powerful, then with the unlucky force of every each member of his gang, he must say that their bad luck is very powerful. Pag sama-samahin mo ba naman ang mga malas sa isang grupo.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon