Prologue

11.2K 204 25
                                    

He's my secret and I'm his

SECRET I

"Pagod na kami..."sabay na reklamo ng dalawang lalakeng kasama namin ni Bubu -- bestfriend ko."Kain na muna tayo, Ms.Presidente..."sabay ulit sila.

Sila si Alex at Paulo. Ang kambal tuko ng Student Council, pero actually hindi sila kambal. Magkaibigan sila na parating magkasama sa mga monkey business nila.

"Ano ba naman kayo! Kalalake niyong tao napakareklamador niyo!"sermon naman ni Bubu."Man up guys! Magaan lang yan!"

Ito si Baby Blue. Bestfriend kong cute na cute ang height pero sing-taas ng Eiffel Tower naman ang boses niya.

"Ang ingay mo Buba!!"--Paul.

"It's not Buba! Bobo!"--Bubu.

"Can you just shut up? Kamain na lang tayo para tumangkad ka liit."bored na sabat ni Alex sabay tapik ng ulo ni Bubu habang karga sa kabilang kamay ang mabigat na plastic bag.

"Bakulaw na tuko kayo!!!"

Napasapo ako sa mukha ko sa sobrang ingay nila. Agad kong nilapitan sila at pinagpapalo sa mga ulo nila."Nasa Mall tayo, pwede? Nakakahiya lang kayo."pagod na sabi ko.

Nasa Mall kami para bumuli ng mga kakailanganin para sa School Fest. Sucks to be a student council member.

"Sorry."--Bubu.

"Gutom na kami..."---Alex at Paul.

Sinimangutan ko na lang sila bago bumuntong hininga."Para sa ikakatahimik ng mundo ko. Fine!"

"Yes!"sabay silang napafist bump sa ere at ngumisi ng malapad."We love you President Aera Lea Zamora! Ang bait mo ta---"

Hindi na nila natapos ang sasabihin nila dahil may nakabangga kay Paul. Marami kasing mga tao ngayon dahil weekend.

"Uy. Sorry."--Paul.

"Ang taba mo kasi."sabi ni Alex kay Paul.

"Anong sabi mo?"laking gulat namin ng lumingon yung lalakeng bumangga kay Paul na galit na galit."Ako mataba?!"

Ah.shit! Loko rin 'tong si Alex eh! Hindi klinaro ang sinabi! Away na naman 'to! Pumagitna naman ako sa kanila."Oops! Misinterpretation lang yun. Sorry. Yung kasama namin yung sinabihan niya."ngiting sabi ko at tinulak sila Paul at Alex palayo."Sorry ulit."

"Tsk."sabi niya sabay pagpag ng manggas niya na nabangga ni Paul."Sa susunod pagsabihan mo yang mga aso mo miss na mag-ingat."giit niya habang nakatingin sa likuran ko kung nasaan sila Paul.

"Ano sabi mo?!"--Paul at Alex.

"Baka ikaw ang aso! Ulol!"Nilakihan ko ng mga mata si Bubu pero hindi niya ako pinansin. Pasaway na babae 'to! Naghahanap na naman ng gulo.

He's my secret and I'm his [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon