Secret 6: Trouble

3K 82 6
                                    

[Red Kavid]

~~Trouble~~

"'Tol! School fest daw sa Tubig ngayon! Ha! For sure mga baduy at korni ang mga events nila,"

"Pero ang dami nilang bebot 'tol! Sayang nga. Bakit ba kasi sila doon pa pumasok? Eh bulok doon!"

"I remember last time, they lose to our basketball team. Kahit yung lahat ng categories sa badminton, natalo rin sila sa atin."

"They suck. Three-peat na tayo last year sa soccer diba? At alam ko 'Tol, tayo pa rin this year. Hahahaha!"

Hindi nakatakas sa pandinig ko lahat ng pag-uusap nila. I want them to stop talking trash about Aqua High, but I can't. Ang alam nila, wala akong pakealam sa Aqua High and all I want is to win. As long as we win I don't care.

But I can't really stand people downgrading others. Especially if they really don't know anything.

Oo, parati kaming nanalo sa mga Sport Events, but Aqua High always beat us in Academic lalo na sa Math at Science.

Biglang may umakbay sa akin mula sa likuran ko. Inis kong nilingon kung sinong hinayupak yun.

"Pasyal tayo sa Tubig?" aya ni Migz habang may nakakalokong ngiti.

Masyado ko ng kilala ang isang ito dahil magkababata kami at isang tingin ko lang sa mukha niya alam kong may masamang balak ang ungas na 'to. Ano bang mapapala niya sa mga prank na ginagawa niya? At isa pa, di ba siya nagsasawang asarin ang mga taga-Aqua?

"Ayoko ng ngiti mong yan kaya it's a no," bored na sagot ko saka naglakad ulit. Sumabay naman siya sa akin at hindi tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. Pinasok ko na lang ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.

Bawat estudyanteng nadadaanan namin tumitingin sa direksyon namin. More like staring at us. Anong magagawa ko? we're one of those popular kid. Me, being the President of SC, last year Top 1 student, and Ace of the basketball team? Magiging sikat ka nga talaga.

I'm used to all of this attensions but ever since I met her, all I want was her attension. All I want was to see her blush, her smile, her eyes...damn! All I want to see was her! Bakit nga ba ulit ako pumasok sa Crimson High at hindi sa Aqua?!

"Wag ka ngang OA dyan, brad! Hindi ako gagawa ng gulo, ok? Don't you trust me?" tinaasan niya ako ng kilay. Ang bakla nito minsan eh. Maingay.

"No, I don't," diretsong sagot ko saka inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin at naunang maglakad. He's my bestfriend, pero ayokong magkagulo na naman between our school and her's dahil kapag nagkagulo, damay kaming dalawa. Problema na naman ito para sa amin.

Nagpumilit pa rin siya pero hindi ko na lang pinansin. Pinasak ko na lang ang earphone ko at nakinig sa kung anong kanta ang nandoon. Agad akong pumasok sa room namin dahil malapit na rin ang first class namin sa hapon.

He's my secret and I'm his [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon