a/n: cute ni Kavid nuh? XD hingi daw siya kiss!! Baekhyun as Red Kavid Navarror :) picture at the side ---->>
[Red/Kavid]
Ang sarap palang magising kapag katabi mo yung babaeng mahal mo. Paksht, nakakabakla pero heto ang puso ko, ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Ginayuma yata ako ng babaeng yun. Ewan ko ba, pero noong mga panahon na nakilala ko siya sa food court, marami naman akong pwedeng matanungan para makaupo pero siya pa yung nilapitan ko noon.
"Tagal mong humalik, G"
Ang cute niyang gulatin ng kiss. Kahit magsungit at magmaldita siya sa akin, cute pa rin siya. Ano kayang kinakain nitong babaeng amazona? Hmmm..lips ko? LOL.
Ganda na sana eh, kung hindi lang umepal yung Ate niya. At leche! Dumating pa yung mga kaklase't kaibigan niya! Aish! Nakakainis sila!
Kaya kahit ayoko, nagtago na lang ako sa loob ng banyo ni Aera.
Gustong gusto ko ng ipagsigawan sa lahat na girlfriend ko siya pero hindi pwede. Maraming tutol. Maraming aayaw. Maraming eepal. Maraming manghuhusga. Bakit ba magkarival ang school namin?
"Hays..." napabuntong hininga na lang ako at umupo sa gilid kung saan tuyo ang tiles. Mabuti naman at marunong maglinis ng banyo si Aera kung hindi sermon ang abot niya sa akin. Burara pa naman siya.
I can tell them that we're dating but I know she's not gonna like it. At alam ko rin, magiging magulo. Alam niyo naman basta gwapo daming mga baliw na fans. I don't want her to be bash by others. Uso pa naman ang manghusga kahit di mo kilala.
Bumalik sa realidad ako ng maramdaman kong tumunog ang phone ko. May text galing sa kanya.
From: #Angel
Matatagalan sila dito. Sobrang kulit nila Blue.
Ayos ka lang?
Oo, mahirap ang sitwasyon namin pero isang text lang napapangiti na ako. She's my angel. Ang chessy ko, tsk.
To: #Angel
Ok lang ako, pero want na kita ikiss. :(
Punta ka dito. 5 minutes lang?
From: #Angel
Ang landi mo! Behave! :P
To: #Angel
Behave naman ako :( kung hindi ako behave, kanina pa ako sumgaw.
From: #Angel
-_-" B, umayos ka nga. Wala kang kiss later :P
Bahala sayo!
To: #Angel
Behave na po :D
Basta kiss ko mamaya ha?
From: #Angel
Oo na po. Landi mo.
To: #Angel
Kung palayasin mo na kaya sila?
BINABASA MO ANG
He's my secret and I'm his [COMPLETE]
Teen FictionAera Lea Zamora (Taeyeon) and Red Kavid Navarro(Baekhyun) are lovers. Summer vacation nun ng magkakilala sila at ma-inlove sa isa't isa pero ang hindi nila alam, magkalaban ang eskwelahang pinapasukan nila. Too late to back out, they love each other...