Secret 25: Bestfriend

1.8K 52 1
                                    

A/N: Here na ang update ^___^ malapit na 'tong matapos kaya sana tapusin niyo >___< Mga 5 chapter na lang 'to. or 10. XD

Dediacted kay @purpleyhan. Doen reading your Tantei High at babasahin ko na rin ang iba pang Sci-Fi stories niyo ^___^. Mas napipicture ko ang Alice Academy habang nagbabasa ng Tantei High. XD GOD BLESS! Aabangan kong matapos ng iba pang story niyo para tuloy tuloy kong mabasa.

COMMENT.VOTE.SHARE.SPREAD! <3 <3 <3 <4

~~ Bestfriend ~~

[Aera]

Buong gabi hanggang mag-umaga, iyak lang ako nang iyak. Hindi ko nga alam kung madidihydrate ba ako sa ginagawa ko o hindi pero I really need to cry. Ang sakit eh. Doble ang sakit kumpara sa una.

Doble ang sakit dahil nakipagkita na naman siya sa babaeng yun at nakipagyakapan rin! Kung gusto niyang bumawi dahil nakita niya kami ni Frenson magkayakap edi he wins! Nasasaktan na ako ngayon! Successful siya!

Pero hindi lang yun ang masakit eh. Masakit rin para sa akin na makita siyang nasasaktan kasi heto na naman kami sa jelousy fight namin. Gusto ko siyang pagkatiwalaan pero...pero naalala ko yung kwento ni Blue tungkol sa ex niya. At bumalik na naman ang takot sa puso ko.

Papaano ako kapag yung babaeng yun ang pinili ni Kavid? Paano kung mapagod na siya sa akin at iwan ako?

Hindi ko kaya...

Problemado na nga ako kay Kavid dumagdag pa si Frenson.

Totoo ba ang sinabi ni Kavid o dala lang ng selos niya ang mga sinabi niya?

Napakalaking imposible ang sinasabi niya. Si Frenson? Magkakagusto sa akin? We're just friends. Sinabihan pa nga niya ako na maging masaya ako kay Kavid. Na wag kong isipin ang mga sinasabi ng ibang tao.

Kung may gusto nga si Frenson sa akin. He will not say that, right? Aamin siya sa akin. Magbestfriend ka--. Wait..baka kaya hindi niya sinabi sa akin dahil...bestfriend niya ako.

"Gosh...Hindi ko na alam.." I whispered and buried my face in the pillow. Ang sakit na. Ang hirap ng huminga! Sobrang barado na talaga ng ilong ko! Idagdag mo pa na sorbang chinita ko na dahil maga ang mata ko!

"Lea.." naramdaman ko ang paghaplos ni Mama sa buhok ko pero hindi ko siya nilingon. "Kakauwi lang namin ng Papa mo, wala ba kaming hug?"

Napakagat ako ng labi bago ko pinunasan ang pisngi ko at huminga ng maluwag. Ayokong makita ako ni Mama na ganito pero I need to hug her. I need a hug.

Mabilis akong bumangon at niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Mama..."

Sinuklian naman iyon ni Mama ng isa pang mahigpit na yakap. "I'm here, honey...andito lang kami ni Papa at ni Ate for you, ok?" hinaplos ni Mama ang buhok ko and kiss my head. "I love you. We love you, Lea.."

He's my secret and I'm his [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon