A/N: Sorry at ngayon lang nakaupdate @.@ walang inspiration para magsulat eh. At bumabawi pa ang utak ko sa mga overnight ng grupo ko last sem. @.@ Alam ko need ko na tapusin ang story na 'to, and this week I'll finish it up! This is the last chapter T__T ... may epilogue pa kaya don't worry, ok? Sa mga nagbabasa pa nito, SALAMAT :D. Sana tapusin niyo, ehehehe..Don't kill me please >__<.
~~ "Aera" ~~
[Aera]
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa palagid ko. All I see is Kavid and red. All I can hear is my heartbeat and breathing. Para namanhid ang buong katawan ko habang papunta kaming hospital. Ni hindi ko nga alam paano ko nagawang namanatili sa tabi ni Kavid. All I know is that, I don't want to let him go.
Narinig kong nagsalita ang nurse pero hindi ko maintindihan kung anong sinabi niya. The next thing I knew, hawak hawak na ako nila Blue sa braso at hinihila palayo kay Kavid.
Pinanood kong sumarado ang double door hanggang sa hindi ko na siya makita. Hindi ko alam kung lumaban ba ako para sumanod kay Kavid o hindi basta ang alam ko nakaupo na ako at nakatulala sa mga kamay ko. Sa dalawang kamay ko na kulay pula.
Time passed, pero hindi ko alam kung gaano katagal. Siguro nga wala pang isang minuto pero parang isang oras na ang lumipas sa akin. Wala na akong sense of time kasi lahat ng atensyon ko, nasa kay Kavid.
Sa boyfriend kong nag-aagaw buhay sa loob ng ER.
Alam kong lumapit si Sunshine sa akin at pinunasan ang kamay ko. Alam kong pinatungan ako ni Alex ng jacket at tinabihan ako ni Paulo. Alam kong may kinausap si Blue sa phone niya, pero hindi ko marinig kung sino. Alam kong kinakausap ako nila Sunshine pero parang nabingi ako at ang tanging kaya kong gawin, ay tumingin sa doube door ng ER.
"Everything's going to be alright, ok?" napatingin ako kay Frenson na ngayon nasa harapan ko na at pinapunasan ang pisngi ko. "Hindi ka niya iiwan, alam ko yun," he half-smiled.
"When.."
"Kanina pa ako nakasunod sa inyo. Pupunta dapat ako sa inyo para ibigay ang Christmas gift ko pero..pero nakita ko ang ambulance.."
Hindi na ako sumagot at tumango na lang. Tumabi naman siya sa upuan sa kanan ko na kanina lang inuupuan ni Paul. Kailan pa siya tumayo at nawala sa tabi ko? Ilang oras na ba ang lumipas?
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Wala pang kalahating oras kami nandito, pero parang ang tagal tagal na naming naghihintay.
"Si Red?!"
"Anong nangyari?!"
Napalingon ako sa sigawan nila Myk at Gilbert. Agad naman silang sinalubong nila Sunshine. Napatingin si Myk sa akin at ang tanging nagawa ko lang ay umiyak ulit. Lumapit siya sa akin at nalipat ang tingin niya sa damit ko. Kahit hindi nila sabihin, alam kong pulang pula ang puting tshirt ko.
Napapikit ako sa pagsuntok ni Myk sa dingding ng paulit ulit hanggang sa pinigilan na siya ng mga kasama namin. Habang ako, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi umiiyak.
Paulit ulit sa isipan ko ang pagbagsak ni Kavid sa harapan ko. Ang ngiti niya. Ang boses niya.
Please, give him time...
***
Lampas dalawang oras kaming naghintay sa labas pero wala pa ring doktor na lumalabas o nurse para magbigay ng balita sa amin. Naubusan na rin ako ng lakas para umiyak pa. Gusto ko ng makita si Kavid.
"Where's Red?"
Napalingon kaming lahat sa bagong dating. Ang parents ni Kavid, kasama ang bunsong kapatid niya. Kasama rin nila ang isa pang matandang lalake na kasing edad lang ng Papa ni Red.
"Ate? Si Kuya?" hindi ko napansin na lumapit sa tabi ko si Rei.
Hindi ko nagawang sagutin ang tanong niya dahil lumabas bigla ang doktor sa ER. Lahat kami napatayo at lumapit sa doktor.
"Kamusta ang anak ko?"
"Ayos lang po ba siya, dok?"
"I'm sorry.."
"What do you mean? Anong sorry?"
"Dok! Anong nangyari sa anak ko?!"
"I'm really sorry..ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin,"
Sigawan. Iyak. Lahat ng yun unti unting nawawala sa pandinig ko. Hindi ko na alam kung sino o kaninong boses ang naririnig ko pero unti unti akong nawalan ng lakas.
"Ate Lea!"
Unti unti umikot ang mundo ko hanggang sa binalot na ako ng kadiliman. Pero alam niyo ang nakakatawa? Nakita ko siya. Nakangiti sa akin. Tinawag niya ang pangalan ko.
"Aera...
I love you so much..."
--to be continue..
BINABASA MO ANG
He's my secret and I'm his [COMPLETE]
Novela JuvenilAera Lea Zamora (Taeyeon) and Red Kavid Navarro(Baekhyun) are lovers. Summer vacation nun ng magkakilala sila at ma-inlove sa isa't isa pero ang hindi nila alam, magkalaban ang eskwelahang pinapasukan nila. Too late to back out, they love each other...