[Lea]
"Tagilid! Move to the right! Sige pa!" I shouted at one of my member. Busy kami sa pag-aayos ng banner sa gate. "Ok! Ganyan na!"
"Era!" napalingon naman ako sa likuran ko ng marinig ko ang tili ng bestfriend ko. "Yung dalawang toko! Tumakas na naman!! Aargh!"
Napailing na lang ako at sinenyasan ang members na bumaba na. Tinawag ko na rin si Oliver. Our treasurer.
"LUUUUNCH TIME!!" sigaw ko sabay palakpak sa ere. Hininto naman ng iba ang mga ginagawa nila at tinawag na rin ang iba. "Oliver, ikaw na bahala sa paggastos. After lunch time will continue, ok? Don't forget to clean and keep the things. Baka may mawala pa sa mga gamit natin!" I said to everyone and they all yelled 'yes!'.
Oliver Tejada ay ang treasurer ng Student Council at thankful akong present siya. Sobrang higpit niya sa money kaya wala akong problema pagdating sa kanya.
Bigla namang sumulpot ang kambal tuko ng Council. "Pagkain!" sabay nilang sigaw at akbay kay Oliver.
"Anong pagkain ng dalawang 'to?" sabay turo ni Oliv sa dalawa.
I just waved my hand and turned my back. "Ikaw na bahala. Maybe some sandwich."
Narinig ko naman ang matinding reklamo nilang dalawa at ang pagsermon ni Oliver sa kanila. Napailing na lang ako at naglakad patungo sa classroom namin ng may humawak sa balikat ko.
Paglingon ko si Frenson lang pala. Ang Vice President ng klase namin.
"Hindi ka sasabay sa amin maglunch?"
Umiling lang ako sabay tingin sa wrist watch ko. "Magkikita kasi kami ng pinsan ko sa town. Nagpapatulong sa akin para sa date niya."
"Ahh ganun ba? Ok," hindi siya convince pero hindi na lang rin siya nagsalita. Nagpaalam na ako at naglakad ulit. Pagdating ko sa classroom kinuha ko agad ang bag ko at dumiretso sa banyo. Doon na ako nagpalit ng damit bago lumabas ng campus ng maingat. Mabuti na lang hindi na ako kinulit ng kumag na yun. Ang hirap mag-isip ng ilulusot, dapat araw-araw may bago.
Pagkasakay ko ng jeep saktong nagvibrate naman ang phone ko.
~~~~~~~~~~
From: G-Dragon
I'm here. Saan ka na?
To: G-Dragon
Jeep na. Wait lang ha?
From: G-Dragon
Ok :) Ingat ka, papakasalan pa kita :*
~~~~~~~~~
Hindi ko napigilan ang hindi ngumiti at kiligin sa text niya. Ang korni niya pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Ghad! He's the president of our rival school pero heto ako, lumalandi sa kanya! Paano nga ba naging kami?
BINABASA MO ANG
He's my secret and I'm his [COMPLETE]
Novela JuvenilAera Lea Zamora (Taeyeon) and Red Kavid Navarro(Baekhyun) are lovers. Summer vacation nun ng magkakilala sila at ma-inlove sa isa't isa pero ang hindi nila alam, magkalaban ang eskwelahang pinapasukan nila. Too late to back out, they love each other...