A/B: HELLO! Sorry talaga ngayon lang nakaupdate >___< lampas na ako sa quota! SORRY TALAGA sa mga readers ng story na 'to. T___T Ang dami kasing requirements na ipapasa. Wala pa nga kaming grades sa majors namin eh. Daming kaartehan ng profs namin, sa totoo lang.
Anyway. Here it is! Ang update na dapat last last week pa napost >__<...sana magustuhan niyo.
Kapag umabot ng 735reads ang story na 'to, maguupdate ako :) Hindi na rin naman ako busy eh. Enrollment na next week kaya may time na ako :D.
VOTE.COMMENT.SHARE.SPREAD!!! <3
P.S: Salamat sa mga new followers ko! Sana maligaw kayo dito! XD
~~~
Loud Whispers
~~~[Aera]
Sampung minuto na kami ni Kavid sa loob ng kotse ni Blue. Sinundo kami ni Blue kaninang bandang tanghali sa bahay ko at ngayon naman ay binigyan niya kami ng private time at nauna na sa loob ng campus.
Gustong gusto kong umabsent at after palaro na magpakita pero hindi pwede. May mga pesteng tungkuling pa ako sa school bilang Student President ng school. Sarap iumpog ng ulo ko! Pakiramdam ko sasabog na utak ko sa kakaisip ng anong dapat gawin! Nakakaloka!
"G!"
"Ahy Palaka! Aray!" Napalundag ako sa gulat kaya naman nauntog ulo ko sa kisame ng kotse. Oh, diba? Wish granted agad? Nauntog na ulo ko. Masakit!
I heard him chuckled. I glared at him kaya naman napalunok siya at tumikhim. "What?!'" bulyaw ko sa kanya.
Napailing na lang siya at pinat ang ulo ko na para akong bata kaya pinalo ko kamay niya. "Ano ba?! I'm not a kid!" hindi ko alam kung bakit pero badtrip ako. Tapos naman ang dalaw ko fr this month eh.
"Calm down ok? Kasama mo ako, G. At kahit anong mangyari at kahit anong sabihin nila, andito pa rin ako," he said with a reassuring smile. "At isa pa, kahit ilang babae pa ang maghabol sa akin, ikaw at ikaw pa rin ang hahabulin ko." sabay indat niya.
Oo na! Siya na marunong magpakilig! Peste!
"Che! Tara na nga!" inis ko siyang pinalo sa braso saka naunang lumabas ng kotse. Pagkalabas ko pa lang, lahat ng tingin napunta sa akin.
Bigla kong naalala ulit yung video. Kaya naman napaiwas ako ng tingin. Lahat sila galit sa akin. Malaman ko lang kung sino ang nagkalat ng video na yun, malilintikan talaga siya!
I was in my own world killing a bastard when I hand wrapped around my waist.
"Tara na, G?" ngiting aya niya. Bago pa ako makasagot ay ginaya na niya ako papasok ng campus.
Bahala na sa mga mapanghusgang mata nila. Basta kinikilig ako! Hmpf!
***
BINABASA MO ANG
He's my secret and I'm his [COMPLETE]
Fiksi RemajaAera Lea Zamora (Taeyeon) and Red Kavid Navarro(Baekhyun) are lovers. Summer vacation nun ng magkakilala sila at ma-inlove sa isa't isa pero ang hindi nila alam, magkalaban ang eskwelahang pinapasukan nila. Too late to back out, they love each other...