Secret 27: Ang mga babae...

1.7K 54 11
                                    

A/N: Here is the update! ^___^ lapit na talaga matapos 'to :3 .. 3 chapter na lang o 2 chapters na lang then done na XD ... btw, wala ton edit kaya sorry kung may mga mali man :D

Dedicated kay: @ JanEuniceGrospe :) Thanks for following! Sana mabasa mo 'to :3

COMMENT.VOTE.SHARE.SPREAD!

PS: Sa mga nag-add ng story na 'to, sana i-FOLLOW niyo ako para madedicate ko sa inyo ang ibang chapters! :D


~~ Ang mga babae... ~~

[Aera]

Two days na lang at Christmas na. Nagpaparamdam na si Kavid sa text at call, pero dahil nga nagbabakasyon siya sa relatives niya for Christmas, hindi ko pa siya nakikita. Hindi pa rin kami ok kasi nangunguna na naman ang takot sa dibdib ko. Nagrereply naman ako sa text niya pero maiiksing reply lang. Tulad ngayon.

From: B ko<3

I miss you.
Kamusta na? Kumain kana?

To: B ko<3

Ok lang. Done na.

From: B ko<3

Sa 27 balik ko at lilinawin ko lahat.ok?
I love you

To: B ko<3

Ok.

Gustong gusto ko siyang sabihan ng 'I love you too' at 'I miss you' pero kapag nagsisimula na akong magtype napapatigil ako. Naaalala ko yung picture na sinend sa akin ng isang lalake na nagpakilalang Daile. Sinend niya ang picture two days after umalis si Daile papunta sa relatives niya

Nung nakita ko ang picture, parang nawalan bigla ako ng puso. Namanhid ang buong katawan ko at tanging pag-iyak lang ang nagawa ko.

Kuha ang picture sa resort kung saan magstastay siya kasama ang mga relatives nila. At ang sentro ng picture na yun ay si Kavid...habang nakahalik kay Joanna. Ang babaeng kayakap niya sa FB picture. Ang babaeng kayakap siya sa kainan dati.

Gusto kong tanungin si Kavid kung totoo ba yun o hindi pero natatakot ako na baka hindi niya sagutin. Natatakot akong tama nga ang kutob ko.

Alam kong ang OA ko kung mag-isip pero peste lang! Kasama ngayon ni Kavid si Joanna! Anong alam ko kung anong ginagawa nila sa resot na yun?! Kahit kasama ni Kavid ang family niya hindi imposibleng may mangyaring ayokong isipin!

Sino ba kasi yang Joanna na yan?! Classmate lang ba talaga siya ni Kavid o more than that?!

"Pasko po ngayon hindi byernes santo," nagpunas agad ako ng pisngi saka bumangon sa pagkakahiga sa kama. Nakasandal sa pintuan ko si Blue habang nakapamaywang. Napabuntong hiningan naman siya ng magkatinginan kami. "Don't over think, ok? Pag-usapan niyo yan pagbalik niya. True man o hindi, kailangan niyo pa ring mag-usap."

Ngayon ko lang nakita si Blue na ganito ka seryoso at the same time kalmado at nag-aalala. Sanay din akong nagsisigaw siya at siya ang OA at hindi ako.

He's my secret and I'm his [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon