Secret 28: Ikaw at Ako

1.7K 52 9
                                    

A/N: Sorry at ngayon lang ang update...kinda busy sa thesis...at sa puso ko..nevermind...

anyway, sana magustuhan niyo at sana basahin niyo pa rin t'o! 

Dedicated ito kay @iAmauee .. salamat sa suporta sa stories ko kahit ilang bses ko ng nabitin XD ... GOD BLESS! at sana mabasa mo rin ibang stories ko :D

COMMENT.VOTE.SHARE.SPREAD.


~~ Ikaw at Ako ~~

[Kavid]

Malapit ng magtanghali ng makauwi ako sa bahay namin. Balak ko sana na kagabi pa umalis para umaga ako makarating pero ayaw ni Mama. Kesyo raw delikado bumyahe paggabi na at kung mapaano ako. Ilang beses akong tumanggi pero mapilit talaga si Mama. Asar. Tanghali na tuloy ako nakarating.

Habang nasa byahe ako plinano ko na kung ano ang gagawin bago ko kaharapin si Aera. Unang una, need kong bumili ng pagkain, peace offering ko. Second, haharanahin ko siya. Third, I'll explain every detail and answer all of her questions. Sana maayos ko 'to. Sana makikinig siya sa akin.

Pero kahit hindi siya makinig, magpupumulit ako. Bahala na si Batman.

Pagkauwi ko ng bahay, nilapag ko agad sa sahig ng kwarto ko ang bag ko at nagdala ng extra money. I need to go to the grocery para mabili lahat ng ingredients na kakailanganin ko. I've decided to cook for her. Iluluto ko ang paborito niyang sinigang nababoy at beef stake. Bibili na rin siguro ako ng pang-carbonara para bukas sa noche buena nila.

Doon ako magpapasko at sana hindi nag-aabang ang Papa niya sa gate habang may dalang itak.

"So, alam niyang umuwi ka na?" tanong ni Myk. Sakto namang nagkita kami sa mall at siya ngayon ang kasama ko sa paggrogrocery.

Umiling ako bilang sagot saka inabot ang binili kong karne ng baka. "Gusto ko siyang surpresahin," dagdag ko pa.

"Alam mo bang nagsend ng picture si Daile kay Lea?" napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Matagal na akong walang balita sa kumag na yun. At ngayon magpaparamdam siya?

"Anong sinend niya?"

Nagkibit balikat naman siya bago kumuha ng tatlong klase ng juice. "Hindi ko alam at hindi ko nakita. Yun lang ang nasabi ni Sunshine pero trust me, masama ang kutob ko sa kung ano man ang sinend niya kay Lea."

Napaisip naman ako. Malakas ang kutob ko na hindi magandang balita ang dala ng pagsulpot ni Daile. Matagal na siyang may galit sa akin dahil mas pabor ang Papa niya kaysa sa kanya. Ang mas ikinagagalit pa niya ay dahil anak lang ako sa labas pero ako ang gusto ng Papa niya.

Nabutis kasi ng Papa niya si Mama bago sila naggraduate ng college. Naging sila kasi dati ni Mama pero dahil ayaw ng lola ng Papa ni Daile kay Mama, sa iba siya pinakasal at hindi pinaalam ni Mama na buntis siya sa akin. Nalaman na lang ng Papa ni Daile nung nagkita sila ulit nung grade 6 ako.

He's my secret and I'm his [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon