Chapter 1

340 5 9
                                    

Riri's POV

Bakla.

Hmmm.

Ano kayang bibilhin ko for snacks? Strawberry cake or egg pie? 

Nandito ako ngayon sa canteen ng JRU. Di ko school to, pero malapit lang dito school namen. At kung bakit ako nandito? for the annual District Meet. But nope, I'm not a player. I suck on sports  I'm here to cheer for our school! and kailangan eh.

"Excuse me miss, there's a line here."

Eh? May tao ba sa likod ko? Lumingon ako para makita kung sino. Then to my surprise, nakita ko si Adonis! Isang nilalang na ubod ng gwapo.

He was strikingly handsome and he looked sexy in his Two Tone Pique Polo Shirt.

Shet! umatake nanaman 'tong kalandian ko.

"Oh, I'm sorry. Di kita napansin, akala ko kasi walang taong nakasunod."

Kaunti lang kasi tao dito, doon sila lahat sa field or rooms. 

Nakita ko yung pagsalubong ng kilay ng guy.

"Bulag ka ba?" pasuplado niyang sabi.

"Eh wala naman kasing nakapila kanina kaya-" 

"Well you noticed me now." wth. Sasabat ba naman na di pa ko tapos? Bastos to ah.

Di ko pinahalata yung inis ko. Instead, I gave him my sweetest smile. Kailangan maging friendly sa taga-ibang school para di mapahiya ang alma mater. 

"Pasenya, di ko naman sinasadya-"

"Wipe that fake ass smile off your stupid face." pagputol niya uli sa sasabihin ko. 

"It will never compensate for your lack of discipline."

What the fuck? Lack of Discipline? Napamaang ako sa sinabi niya. Wala pang nagsabi sakin ng ganon.

"Hey, stupid ugly girl. Don't be too obvious that you're mesmerized by my presence." angil nya sakin habang nakalutang pa rin yung isip ko. 

Tangina. Ang kapal ng pagmumukha.

"Oh please! Ikiskis niyo nga tong pagmumukha ng taong 'to sobrang kapal na e." asik ko sa kanya nang bumalik yung pag-iisip ko. Ngumisi siya.

"Don't worry. I like you too."

"-I like to throw your ass off to somewhere you can stand and stare longer." pagdudugtong nya.

 Lumapit siya at binangga pa ako at nauna nang bumili. Bago siya umalis ay binalingan niya 'ko na nakangisi.

"Julia Trishia." suminghap siya "How irritating." tas tuluyan nang lumabas. 

Irritating? Ako? Paano niya nalaman pangalan ko? Tumingin ako sa suot ko. Ay oo nga pala nakapang-Student Council Officer t-shirt ako na may print ng name ko.

"Tss kainis." bulong ko na lang.

At bago ko pa makalimutan ang pakay ko dito sa canteen ay bumili na 'ko ng makakain. Yung dalawa na lang binili ko, dito ko ibubuhos ang panggigigil ko sa hinayupak na lalaking iyon.

"Alam mo miss, bagay kayo." pang-aasar pa sakin ng tindera.

Ba't ba ko kinakausap nito? Feeling close ka 'teh?

"Ugh bading yun." pasupladang sagot ko sa kanya sabay irap.

Ngumiti lang yung tindera. Tas umalis na rin ako, packing tape na lalaking yun! Panira ng araw!

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon