Chapter 11

89 2 0
                                    

Ian's POV

Tampon.

"Asan na asan na." ani ko habang hinahanap yung napkin isle. Shit talaga bakit ako pa inutos ng mga girls. Sinama ko sila Azi, Sam at Seph.

"Bro, masyado bang mabigat ang napkin para isama mo kami?" reklamo ni Seph. Humalukipkip si Sam at bumaling sa mga colognes at nangangamoy.

"Inutos kasi yan, ako naman babayad. Baka may gusto kayo. Ako na bahala." sambit ni Azi. Napalingon naman si Seph at tumango.

Hinintay nila akong makuha lahat ng mga kailangan ng girls. Napkin, Suklay at ano pa.

"Bro, what's this?" tanong ni Azi habang tinataas yung kulay puti na tube na may string sa dulo. Liningon siya ni Seph at Sam.

Namula yung pisngi ni Sam at kinuha iyon kay Azi.

"Bilisan mo nga diyan, Ian. Kung ano ano na hinahawakan nito ni Azi." reklamo niya at umirap.

"Tapos naman na." 

"Oh. May gusto ba kayo?" tanong ni Azi. Umiling kami at pumunta na ng counter para magbayad.

Nilagay ko yung mga binili ko may tinapon rin si Azi doon. Isang box na... tampon? Tiningnan ko siya. Nanlaki naman mga mata ni Sam. Kinurot niya ang tagilirin ni Azi.

"Ba't mo yan dinala ha?" pabulong na tanong ni Sam. Pumikit si Azi at mahinang tumili dahil sa sakit ng pagkakurot.

"Curious lang ako. Tangina." bulong naman ni Azi. Humagikhik si Seph at bumaling sa mga chocolate na nasa gilid ng counter. Kumuha siya ng benteng hershey's milk chocolate. Nagkunot-noo ako.

"Ang dami tol. Dami mong pera ah." tumawa si Seph at umiling.

"Si Azi naman yung babayad." ngumiti siya. Binitawan na ni Sam si Azi.

"P10,585.39 po" ngumiti yung babae habang tinitingnan ako. Suminghap ako tangina ang mahal epal ng mga chocolate ni Seph. Binatukan ko siya, tinaasan lang niya ako ng kilay at umirap.

Nagbuntong hininga si Azi at ngumuso habang kinukuha yung credit card niya. Yaman na bata puta.

Binigay niya iyon sa babae at kinindatan. Lumingon siya samin at hinahaplos yung kinurot ni Sam kanina.

"Penge naman bente dyan, brad." biro ni Sam.

"Ito bente." tinaas ni Azi ang wallet niya. Umaaktong isampal iyon kay Sam. Nagmura siya at bumaling sa babae para kunin yung card.

Kinuha niya yung supot at tinitingnan yung laman.

"Tangina ba't ang daming chocolate?" lumingon siya sakin. Tinuro ko naman si Seph. 

"Oh bakit di ako sumama sainyo para umuwing walang dala." umirap si Seph.

"Kaya pala ang mahal," napatigil si Azi.

"Tangina bakit amoy tae?" reklamo ni Azi at tiningnan yung ilalim ng sapatos niya.

"Check niyo nga sapatos niyo." tiningnan ko yung akin, wala naman. Si Azi rin wala. Tiningnan ko si Seph naglalakad siya habang kumakanta. 

Tinignan ko yung dinadaan niya may tae. Tumikhim ako. Natapakan niya yung tae at nadulas.

"AHH!" sigaw niya. Nabitawan niya yung supot na agad naman sinalo ni Sam. Si Azi naman walang ibang ginawa kundi tumawa.

Nahiga si Seph sa sahig. Tinayo siya ni Sam. May tae yung likuran niya amputa HAHAHAHAHA. 

"Tangina." liningon niya kami.

"Ba't di niyo sinabi?!" nagkibit balikat si Sam. 

"Kasalanan namin? Ikaw tong kumakanta di nagtitingin sa dinadaanan." umirap siya.

"Tss tangina ang baho." reklamo ni Seph na nasusuka.

"Baho? Mo?" kantyaw ni Azi na natatawa parin. Umiling ako.


Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon