Chapter 5

109 4 0
                                    

Hiro's pov

Polariod.

Pumunta ako sa bahay nila, Jo at napansing may kotse sa drive way. Bago to ah kanino kaya 'to? Kumatok ako sa pinto.

Umatras ako at naghintay.

Ilang sandali bumukas ang pintuan, nakita ko si Jo na nakatayo.

Agad siyang ngumiti ng nakita ako, I return the gesture.

"Hi, Hiro!" kumaway nalang ako at pumasok. Ng isinara niya na yung pinto agad akong nagtanong. 

"Hey, may nakita kong kotse sa driveway, kanino yon-"

Bago ko matapos ang tanong ko nakita ko si Dave na nakaupo sa mga sofa. Tumingin siya sakin at ngumisi. Yung manliligaw niya.

 "Hey, Hiro." lumunok ako at nag iwas ng tingin, pilit na ngiti ang ibinigay ko.

"Oh, kotse mo pala yun, Dave."

"Yeah, di ko ba sinabi sayong sasama si Dave satin?" Di e. Di mo sinabi. Umiling ako at ngumiti.

"Ah, that's right. You "totally" did." ngumiti siya at bumaling sakanyang cellphone. Nakarinig ako ng hakbang pababa galing sa hagdan. 

Lumingon ako at nakita ang kapatid ni Jo naglalakad patungong sala.

"Sino pa sasama?" Tumingin si Jo sakin. "Sila Drei, Ken, Patty Azi and Gab." Tumango si Al at dumiretso sa kusina. 

"I'll grab some more snacks."

Dumating na sila Drei. Sila Gab at Ken ay nasa Fortuner ni Azi. Sila Dave, Drei at Al naman ang magkasama. I somehow ended up with Jo. Ang hirap itago ang excitement ko.  

"Um, ako na ang magmamaneho."pumasok na kami sa kotse at nagmaneho na ako.

Sumandal siya sa upuan at inayos ang kanyang buhok. 

"Ah~ excited na ako! Alam mo bang pupunta dito si Jess? Dito na raw siya mag-aaral!" aniya nakangiti. Tinaas ko ang kilay ko.

"Saan daw siya mag eenroll? For the second semester, right?" tanong ko. Sumulyap ako sakanya.

"Sa school natin." lumaki mata ko. So that means may chance na magkikita sila ni Drei?

Suminghap ako. "Is she coming to the party?" nagkibit balikat siya.

"I don't know. Maybe? Magkaibigan sila ni Patty baka isama." aniya nakatingin sa daan. Kinagat ko ang labi ko. 

Tangina pano na 'to.

Binuksan niya ang glove compartment ng kotse ko at napaawang ang bibig niya. "Oh my god."

Kinuha niya ang polariod doon.

"Di ako makapaniwalang buhay pa pala 'to" binigay niya iyon sakin noong 9th birthday ko. Nagkibit balikat ako at bumaling sa daan. 

"Yeah, importante saakin e." kinagat ko labi ko.

Tinuon niya saakin yung camera at kumuha ng litrato. 

"Gwapo naman." Pagkatapos magprocess nung picture, tiningnan niya iyon. 

"Ganda neto. Akin nalang" natawa ako, sumulyap ako sakanya. "Magpicture ka rin! Para meron rin ako."

Ngumiti siya at tumango. Tinutok niya ang polariod sa mukha niya, ngumuso siya habang ngumingiti. Nagflash ang polariod kaya binaba niya na iyon. Naghintay siyang maprocess at tiningnan niya iyon.

"Magugustuhan mo 'to." ngumiti siya at humikab.

"Matulog ka muna, gigisingin kita 'pag nakarating na tayo."

Inilagay niya ang litrato ko sa wallet niya. Yung litrato niya at ang polariod at ibinalik niya sa glove compartment at isinara. Tumango siya. At pumikit.

"Dapat palagi natin 'tong ginagawa, 'pag hindi busy. Tayo lang dalawa." bulong niya.

Lumingon ako sakanya, sumikip ang dibdib ko at bumaling ulit sa daan. "Yeah, we should."

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon