Chapter 14

61 3 0
                                    

Riri's POV

Fuck.

Hmmm.

Sinuri ko lang ang buong kwarto niya. Mas malaki to kumpara sa guest room na tinutuluyan ko pero halos pareho lang ang mga kagamitan.

Wala rin akong makitang personal effects. Di ba siya mahilig maglagay ng picture frames? Wala ba syang collections?

Amboring nya naman!

Sabagay, pang-bakasyon lang naman nila ang lugar na to. Baka nandun lahat sa kwarto niya sa talagang bahay nila.

Napakamisteryoso talaga ng lalaking to.

Pinagmasdan ko na lang ulit siya habang mahimbing na natutulog. Napakaamo ng gwapong mukha niya parang inosente. Anghel na sinaniban ng lahat ng poging kaluluwa! At sa sobrang kapogian inihulog sa langit! Sana lang wag na syang magising. 

Binantayan ko lang siya magdamag. Dito ako naupo sa katabing couch.

Amboring naman dito. Maya-maya nakaramdam na ko ng antok kaya umidlip na lang ako.

-

Pagkagising ko walang nagbago sa paligid. Pasikat palang ang araw at tulog pa rin si Drew, epekto siguro ng gamot na ininom niya kagabi.

Nilapitan ko siya at dinama ang kanyang noo para tingnan ang temperatura niya. Napansin kong pinagpapasiwan na siya kaya tinungo ko ang banyo sa silid para kumuha ng tuwalya.

May nakita naman agad akong puting towel pero bigla akong sinalubong ng curiousity nang makita ang isang vanity case.

Ay bongga! Puro mamahalin ang mga gamit! Hmmm. Parang may gusto ata akong makita.

Tama! Siguro naman nandito lang yun.

Sa tuwing magkalapit kami ni Drew di ko maiwasang singhot-singhutin ang scent nya. At may pagkakataon na hinahanap-hanap ko yun. Adik eh.

Kumunot ang noo ko nang makita ang iba-ibang brand ng pabango. May Bvlgari, Calvin Klein, Michael Kors, Hugo Boss at Giorgio Armani.

Ano to? Pinaghahalo-halo niya ba lahat ng to?

Ma-try nga isa-isa!

Una kong kinuha ang Acqua Di Gio by Giorgio Armani. I sprayed it into the air and found myself sniffing at the contrasting aromas of fruity scents with strong, musky and woody elements.

Not bad.

Pero di yun ang hinahanap kong amoy. Then kinuha ko ang Hugo Dark Blue at inilapit yun sa ilong ko. A curve formed on my lips, ngiting tagumpay!

"Got it!"

I sprayed myself automatically without thinking.

Now, I had the scent of fresh fruits and nature but it left a captivating soft trail of vanilla and the woods. It pleased my senses that I sprayed it on my clothes again. Ang bangooooo!

Nakangiti pa kong lumabas ng banyo at napahinto nang makita ang nakatayong si Drew. Half-naked and looking so comfortable and proud of his sexy body. Biglang kabog naman ng dibdib ko.

"What are you doing here?" nagtatakang tanong niya. "And in my bathroom."

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon