Chapter 9

91 2 1
                                    

Brih's POV

Brothers.

"Saang lupalop ba ng mundo tayo pupunta?" sigaw ni Riri sakin.

Nasa isang helicopter kami ni Azi. May isa pa andoon sila Ace, Pysche at Joz. Pinapasama niya kasi kami. Naisipan nila Entice na magkotse nalang papunta doon.

Shit! Maghihiwalay na ata mga laman-loob ko sobrang nerbyos!

"Sa Boracay!"

"Anoooo!? Akala ko ba sa Baguio lang tayo?" sigaw ni Kath.

"Eh diba gustong-gusto niyong pumunta dun!? Wish granted!" sigaw ko.

"By Azi!"  nakangiti kong dugtong. Lumingon sila sakin at nag-taas ng kilay.

"Sabi na e hindi ikaw yung nagrenta ng heli tas dalawa ba naman? Tangina akala ko bigla kang yumaman." ngumuso si Riri.

Anyways, sembreak na namin niyaya lang kami ni Azi na sumama since doon rin sila magbabakasyon ng mga kaibigan niya including us of course.

Kanila Azrael ang sinasakyan namin ngayon. Did I mention na super yaman nila Azi?

Sa public school siya nag-aaral kasi yun ang decision ng parents niya para di daw maging brat gaya ng ibang unico hijo.

Lumingon ako kela Riri na panay selfie.

Ako naman kampanteng-kampante lang na nakaupo.

Mahaba din byahe namin and after what seemed like an eternity, nakarating na rin kami sa boracay.

"We're finally here!" sigaw ni Kath.

Di ko akalaing ganito kaganda at kalaki ang beach house nila Azi! 

Totoo nga yung nakikita ko sa pic sa magazines, ang puti ng buhangin at ang linis na mala-green ang tubig dito sa Boracay.

Pang-professional ang design ng malaking beach house. May mini-forest din sa may likod kahit na sa may beach banda. Andami pang designs, karamihan Greek style.

Pumasok na kami sa loob.

Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang ganda nun. Nakangiti pa ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.

Lumingon ako kay Riri na awtomatikong napalis yung ngiti ko nang makita yung lalaking pababa ng hagdan. Napansin rin siya ng lalake at napatigil sa pagbaba. Nagkunot noo siya.

"Riri!" lumingon kami. Si Azi na tumatakbo palapit samin.

"Sila Ken nasan?" tanong ko.

"Andon sa kabilang villa." nakangiti niyang sagot.

"Ano ginagawa mo dito?" pagsungit ng lalaki.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" sagot ni Riri.

"I'm on my vacation. You? You wanted to see me?" nakangising tanong ng lalake. Liningon ko si Azi nakahalukipkip habang nakangisi.

"I'm on my vacation too. Don't even dare think I want to see your irritating face. I'm not interested in you, okay?" binalingan ako ni Riri. Nagkunot noo ako.

"Az, akala ko ba private property niyo 'to? Pano nakapunta dito yan?" liningon siya ni Riri.

"Uhh I can explain." painosenteng sagot ni Azi.

"Azi naman! Akala ko ba magiging peaceful at masaya ang bakasyon ko dito!? Paalisin mo siya kung ayaw mong layasan kita dito!" tumawa yung lalaki na ngayon ay nakaupo na sa sofa.

"And why would I leave my own house?" biglang sabat ng lalaki.

"A-Ano?" pinalipat-lipat ni Riri ang tingin niya kay Azi at sa lalaki. 

"Naglilive-in na kayo dito!?" pinitik ni Azi ang kanya noo. 

"Hindi no! Ambata-bata ko pa para sa ganyan. At isa pa, kung magrerebelde man ako sa parents ko at magiging mapusok eh pipiliin ko nang magtanan kasama si Gab and not with my own brother!" nagkunot noo si Azi.

"And I am not fucking gay, Riri." dagdag niya. 

Kuya? So hindi unico hijo? Tangina ba't ba di nagsshare si Azi.

"B-Brother?"

"Oh di ko pa nasabi sa'yo. Anyway Riri, si Drew. Bunsong kapatid ko." nagtaas siya ng kilay at sinenyasan si Drew na lumapit samin. Tumayo naman iyon agad at humalukipkip.

"Seryoso?" tanong ni Riri.

"Tss, you're Kuya's best friend yet you never know his relatives? Yeah, we're siblings. He's my half-brother."

"Siblings kayo?" tanong ni Riri.

"Paulit ulit lang teh?" naglakad ako papuntang sofa at binaba ang mga bagahe.

"Sila Ken nga pala Azi nasaan?" tanong ko at umupo.

"Nasa kabilang villa nga. Ikaw nga rin 'tong paulit ulit. Nagpalit kami ni Drew since komportable siya dito." sumandal siya sa pintuan.

"Dito nalang rin kayo matutulog." ngumiti si Azi.

"What?! No way!" reklamo ni Riri.

"Tss if you don't want to. You can sleep with the fishes." tumawa nang marahan si Drew at ininom ang juice na nilapag sa counter ng yaya nila.




Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon