Epilogue

57 2 2
                                        

(Author's Narration)

End.

May gig sila Azi. Alas syete na ng gabi puro tawanan at kantyaw ang buong booth na inuupuan nila, samantalang si Azi nakatulala na nakatingin sakanila. Iniisip isa isa yung mga kabarkada niya.

Si Gab single pa din ganoon din si Seph.

Si Jake lampungan stage sila ni Arki.

Si Ken ganun padin may tama sa utak.

Si Jem sawi pero nakakaya parin maging masaya ganoon din si Salma.

Si Drew na malungkot sawi at basag na kaya parin tumawa at ngumiti ganoon din si Mayen.

Si Joz masaya sila ni Dam.

Si Drei na ang laki ng galit sa lahat pero ayos pa din.

Si Allen na bisyo ang pinapairal pero nakakaya parin yung buhay kahit naghihirap na.

Si Dave na palaging late tuwing may ganap.

Si Clint na kahit hindi nila kasama kasi nag aaral mahal parin nila.

Si Hiro, Ally, Jo, Grace at Nate na tahimik nalang.

Si Entice na di parin nagbabago masungit padin.

Si Kath na minsan nalang sumusulpot tuwing may ganap.

"Pre, jake." tawag niya at liningon siya ng lahat.

"Salamat sa lahat." ngumiti siya at nilingon ang iba. "Salamat sa inyo dahil binigyan niyo ako ng pamatagalan na saya kahit panandalian lang tayo ninyo nagkakakilala." sinapak ng marahan ni Drei ang balikat ni Azrael at tumawa.

"Wag ka magsalita ng ganyan pre. Kami din nagpapasalamat kami saiyo. Di ko masabi kung para saan pero pinapasaya mo din kami kahit minsan laki ng tama mo sa utak." aniya at tumango tango ang lahat.

"Solid tayo diba?" natatawang sambit ni Seph at itinaas ang kamao niya.

"SOLID!!" sigaw ng lahat at nag cheers.

Ngumiti si Azi at tumayo. Nagpaalam siya na pumunta na ng backstage kasi sila na ang susunod na magpperform.

"Goodluck." sigaw ng lahat at kumaway-kaway.

Inayos ni Azrael ang gitara niya na nakasabit sa likod at naglakad na patungo sa backstage. Suminghap siya at tumayo sa harap ng mic at sinaksak ang wire sa gitara niya.

"Ready?" tanong niya sa mga kabanda niya. Ngumiti at tumango naman ang lahat.

"THE FEAST!!" Sigaw ng MC at tinutok sakanila ang spotlight.

Lalo lumakas ang hiyaw ng mga tao lalo na sa mga kabarkada niya. Pinagsadahan niya ang kanyang buhok at suminghap, halata ang kaba sa kilos niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya at nagsalita.

"So this is my first time performing live in front of everyone." Ngumiti siya.

"I wrote this song for the..." his voice crack. Umiling siya at hinarap ang lahat.

"For the girl I truly love." Nilingon niya si Julia. Nagsimula na siyang magstrum.


Does he hold you like I would have held ya?


Kanta niya na natahimik ang lahat sa lamig ng boses.


Does he see the twinkle in your eyes?

Does he know all your flaws and loves who you are?

Cause girl I know I would...


Pumikit siya at dinama ang kanta. Mahina lang yung tugtog na bagay sa kanta.


Does he know how to make you laugh?

And the little things that make you mad?

And are you on his mind all the time?

Cause girl you're on mine...


Hindi nawawala ang titig ng mga kabarkada niya sa kanya pinapanood kung paano niya dinadama ang bawat linya. 

Dumilat siya at tiningnan ang babae na tanging nagpapasaya sakanya.


Do you see who I am?

Cause I could be your man

But if you need someone I'll be there for you.


Linayo niya ang bibig niya sa mic at nagstrum para sa instrumental. Nag echo yun sa buong club. Rinig sa mic yung pag singhap niya para sa susunod na linya.


Was I crazy for wanting you?

But did you simply have no clue?

I'm a fool for thinking you wanted me

But I guess it wasn't meant to be.


Nagcrack ang boses niya kaya agad niyang inilayo ang mukha niya sa mic. Ngumiti siya at umiling.


Do you see who I am?

Cause I could be your man

But if  you need someone I'll be there for you.


Dumilat si Azrael at umiba bigla yung kulay ng light from blue to red. Pagod niyang tiningnan ang kanyang mahal at ngumiti.


Do I cross your mind at all?

Is it too late to hold you?

Ohh.


Pumikit siya at nagtiim labi. Tumayo ang lahat at nagpalakpakan. Ganoon din ang mga kabarkada niya. Ngumisi siya at yumuko.

"Thank you!" sigaw niya at bumaba ng stage.

Nilapitan niya agad yung babae na tanging nagparamdam sakanya na siya na ang pinakaswerteng lalaki sa mundo at niyakap.

"Ang galing mo!" aniya at tinusok ang tagiliran ng binata. Tumango lamang iyon at hinawakan ang kanyang kamay.

"May surpresa ako sayo halika." ngiti ng lalaki at hinila siya palabas ng exit.

"Julia!" tawag nila Ken na napahinto sa kanyang paglakad. Nakalas ang hawak ng dalawa.

"Susunod ako." bulong nag babae. Tumango lamang ito at tinakbo ang exit.

"Julia! Tara na!" tawag nito na dahilan ng paglingon ng dalaga. Nag paalam siya sa mga kaibigan at tumakbo sakanya ang dalaga pero napahinto lamang iyon sa kabilang kalsada.

"AZI!"





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon