Chapter 13

59 3 0
                                    

Riri's POV

Overnight.

(Gustong kong tapusin agad story nila kasi tinatamad ako pwe)

"Because if you keep getting closer to me, I might..."

Bumilis ata ang tibok ng puso ko. Ano nanaman kayang sasabihin niya sakin at bigla akong ninerbiyos?

"You might what?" tanong ko.

Pero di na sya sumagot, yumuko lang sya at nanahimik.

Maya-maya bigla syang tumayo na parang narefill ulit ang energy.

"Thank you, Ri." sabi lang nya na namamaalam.

"T-teka lang-"

"Thank you," ulit niya at umalis na.

Grabe, daig ko pa yung langaw kung itaboy niya palayo.

Pero di ako susuko! May sakit siya at kailangan niya ng tulong.

Hinabol ko ulit sya at naabutan na nakahilig sa pader.

Tsk! Napailing na lamang akong lumapit.

"Ikaw ang klase ng taong ayaw magsabi ng totoo."

Nagulat siya sa presensya ko at pinilit pang tumayo nang tuwid.

"I already told you, I'm fine. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog ka na."

"Hindi mo ba kayang aminin kahit ngayon lang na kailangan mo ng tulong?"

Humakbang pa ko papalapit at lakas-loob na sinabit ang kamay sa balikat nya.

"Just tell me where your room is, aakyatin kita papunta dun."

Akala ko papalag nanaman siya at aalisin ang kamay ko at aakusahan ng sexual harassment pero hindi. Siguro talagang nanghihina na sya.

"You're persuasive as hell." sambit nya at tinuro na ang direksyon papuntang kwarto niya. "But honestly, I'm glad you're here."

Lihim akong natawa sa sinabi niya. Nagdedeliryo na ba siya kaya ganyan na siya magsalita ?

Dahan-dahan lang kaming naglakad at halos di ko na maramdaman ang bigat niya.

Damang-dama ko yung init ng katawan nya. Imbes na mas lalo akong mag-alala sa lagay niya ay bigla akong kinabahan ulit. Pakiramdam ko nananayo na mga balahibo ko.

Then finally narating na namin yung kwarto niya. Bumungad sakin ang malaking kama sa gitna. Tinulungan ko na siyang humiga at inayos ang comforter para di sya ginawin.

"Talaga bang ayaw mong tumawag ako ng doktor?"

"No. I'll just sleep this off."

Napabuntong-hininga na lang ako.Antigas talaga ng ulo nya!

Pinagmasdan ko lang siya, alam kong di pa sya natutulog. Dito lang muna ako, di pa naman nya ako pinapalayas.

"You just look strong but you're actually as vulnerable as every other man."

"That's insulting."

Natawa ako saglit. "Would you like me to stay here and watch over you?"

"Thank you but no," sagot nya at tumagilid na ng higa.

Hmp! Pakipot pa siya eh alam ko namang ayaw niya rin ako paalisin, baka magdeliryo nanaman siya. At kahit bumalik pa ko sa kwarto ko eh hindi na rin naman ako makatulog.

"Goodnight, Drew."

Paalam ko at naglakad papuntang pinto. Binuksan ko ang pinto and after few seconds sinarado ulit. Sinadya kong marinig niya yun para kunwari nakalabas na ko.

Pero ayoko munang umalis. Dito muna ako.

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon