Chapter 2

224 4 8
                                        

Azrael's POV

One-sided?

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan galing sa kwarto habang sinusuot yung converse ko papuntang kusina. Naabutan ko si Mama kumakain ng oaths. 

"Aalis ka na kaagad, Azi?" tanong niya habang nagbabasa ng magazine tungkol sa mga paso at kawali. Nagkibit balikat ako naglakad papuntang counter, kumuha ng toasted na ginawa niya para sakin.

"I always walk to school with gab, ma."

Tumingin siya sakin kita ko sa mga mata niya ang pag aalala, binaba niya yung kutsara na kanina niya pa sinusubo. 

"Diba may jowa na siya?" pinunas ko kamay ko sa suot kong maong, tumango nalang ako.

Umiling siya at binaling ang atensyon niya sa kinakain.

Buntong hininga akong nagpaalam kay mama at kinuha ang bag ko palabas.


Ngumisi ako. I'm 15 minutes early bago yung jowa niya. Lumilingon lingon ako, adverting my gaze to the clock on my phone.

Ngumuso ako. "Dapat andito na siya."

"Azi!"

Tumingin ako at ngumisi habang tinitingnan si Gab papunta sakin.

"Hello!" ngisi niya habang naglalakad, lumapit ako sakanya. We've been best friends since grade school. I always love seeing her smiling. Nangako ako sa sarili ko na di ko siya papaiyakin. Kung umiyak man siya of course papasayahin ko.

"So, kelan-" di ko natuloy kasi biglang may tumawag kay Gab. Lumingon kaming dalawa sa kung sino sumigaw. Bumagsak ang balikat ko. Yung jowa niya si Zack. Sumulyap ako kay Gab na naglalakad na patungo sakanya, smiling bigger than before. Nagbuntong hininga ako at yumuko.

"Hey, Zack." inakbayan niya si gab at pumagitna samin. 

"Oh, ano ulit sasabihin mo, az?" umiling ako at nag iwas ng tingin, i did my best to smile. 

"Nah wag mo ng problemahin."

Nakarating na kaming school tiningnan ko sila ni Gab at Zack, they were already walking into a different direction. Nagbuntong hininga ako. 

"see you later." bulong ko.


Natapos na ang ikaapat na subject at nagmadali akong lumabas sa classroom para hanapin si Gab at sabay pumuntang cafeteria. Lumiko ako at nakita siya lumabas sa room. Ngumisi ako at tumakbo palapit sakanya, hinawakan ko ang braso niya at pinalingon sakin. Napatalon siya.

"O-Oh, Azi.."

Ngumisi ako at kumaway. "Hello! tara na?" suminghap siya at tumango. Ngumiti ako. Pinag usapan namin yung parating na exams at dapat daw siyang magreview. Tumango nalang ako, pero di talaga ako nakikinig. Lumilingon ako baka makita siya ni Zack pero di ko pinahalata.

Nakarating na kami sa cafeteria, umupo kami sa bakanteng lamesa. Binuksan niya ang kanyang baon at nilabas ang juice at sandwich niya. Kinakamot niya ang ilong niya bago isubo ang pagkain. 

Ngumisi ako habang tinitingnan siyang masayang kumakain. "Ano yun, Azi?" kumurap ako at tiningnan siya. Nakangiti siya at nakatagilid ang ulo.

"Ah! wala wala." 

"Kanina ka pa kasi nakatingin." sumulyap ako sakanya at maasiwang ngumiti, pinaglalaruan ko mga daliri ko. 

"Talaga? Sorry." ani ko.

Binaba niya ang kanyang kinakain at nagpunas. "Listen, may pupuntahan akong party ngayon byernes, samahan moko?" 

Kinamot ko likod ng leeg ko at nagkibit balikat. "Ngayong byernes? Ewan ko."

Umuyam siya at humalakhak. "Oh segi na. Di yun masaya 'pag wala ka don."

Ngumisi ako habang tinitingnan siyang nakanguso. "Oh segi. Pupunta ako."

"Salamat sa paghintay, gago." lumingon ako, si Drei at Ken. Mahina akong sinapak.

"Oo nga, bakit di mo kami hinintay?" tanong ni Ken. Nagkibit balikat lang ako at binaling kay Gab buong atensyon ko. 

"Asan si Zack?" tanong ni Ken. Nagbuntong hininga si Gab at umiling. 

"May 'practice' daw sila e." sagot niya.

Tumango nalang sila at tumingin sakin. 

"Nakuha ba si Drew sa basketball team?" tanong ni Drei.

"Ewan, I wouldn't be surprised if he did." ani Ken.

Iba't iba ang pinag uusapan nila about the exams, pagrereview, pagsali ni drew sa laro at yung party. Tumingin ako kay Gab na nakikinig sa usapan habang kumakain. I could stare at her all day. Ang ganda niya sa paningin ko. Pagkatapos ng ilang subo, pinupunasan niya ang kanyang labi ng napkin bago uminom ng juice. 

Nag-iwas ako ng tingin ng makarinig ako ng hakbang galing sa likod ko.

"Sorry, I'm late." binati ni Drei at Ken si Zack at binati siya ni Gab ng isang halik.

"Okay lang." tumabi si Zack sakanya. Sumusulyap ako kay Gab habang nag uusap sila ni Zack. Like always, kinakamot niya ang kanyang ilong bago kumagat sa sandwich. Ang cute niya pak shit! Nagbuntong hininga ako at yumuko.

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon