Chapter 10

89 2 0
                                    

Ken's POV

Are you gay?

"Kain muna tayo, guys" yaya ko. Andito kami sa villa ni Drew sobrang laki amputa ang yaman ng mga Rodriguez. Naliligo sila sa pool. Damn, ang ganda ng view dito. Sa mini pool nila may nakapaligid na buhangin. 

Pumunta ako doon di naman ata nila narinig sinabi ko baka di pa sila gutom. Sinisipa sipa ko ang buhangin di parin natatanggal tingin ko sa view. Kanila Entice pala sumakay sila Drei land trip e natagalan.

"Aray!" napatalon ako.

Amputa si Jess nakabaon sa buhangin. Ano trip neto.

"Tangina ano ginagawa mo diyan ha?" nagkunot-noo ako binaba niya ang sunglasses niya at tinginan ako.

"Enjoying the sun duh" umirap siya at sinuot ulit ang kanyang sunglasses.

"Amputa, Jess. Paano maeenjoy ng katawan mo yung sun kung nakabaon ka diyan sa buhangin?" suminghap siya.

"Share mo lang ba yan?" nagbuntong hininga ako at umiling. Bumalik ako sa pool kung saan sila lahat naliligo.

"HOY!" sigaw ko. Napatigil silang lahat maliban kay Azi na nakaupo sa ibabaw ng ice cream na salbabida.

"Ang bagaaaaal!!!" sigaw niya at umuusog. Ang gago talaga. 

Tinapon ni Al ang swimbands niya. Natama yun sa ulo ni Azi kaya nahulog ito sa sinasakyan. Nagtawanan kaming lahat.

"Gutom na ba kayo? Kain tayo labas." yaya ko ulit.

"Pwede naman na dito nalang." ani Azi na inaahon ang sarili sa pool.

"Para naman makapasyal pasyal tayo." tumango kami kay Drei.

—  

"Tara na?" tanong ko. Halos lahat ng boys naka khaki shorts at polo lang. Tumayo si Azi sumunod nalang kami. Ang daming babaeng nakatingin sakanila ni Drei. Gwapo ba namin masyado?

"Saan niyo gusto kumain? Libre ko." tanong ni Azi na tumitingin sa mga resto na nakapaligid.

"Kahit saan." ani Gab na nakaakbay kay Zack. Nagtiim bagang si Azi at tumango.

"Dun sa smoke, Azi!" turo ni Riri tumango si Seph.

"Sa toilet nalang, Az!" turo ni Drei sa resto.

"Mang inasal nalang. Dami niyo alam e." iling ni Nathan at nakipagkwentuhan ulit kay Hiro.

"Sa Jollibee nalang kaya." hagikgik ni Entice.

"Walang Jollibee dito, Entice. Gising!" kinatok katok ni Kath ang ulo niya. Umiling ako.

Liningon ko sila Riri sa likod nakatingin sila sa mga nagtitinda ng mga keychains, kwentas, tsinelas, unan at ano pa.

"Wow ang ganda neto!" turo ni Jo sa unan na may i <3 boracay.

"Tangina, ang bangag mo. Ang daming unan sa villa nila Drew pwede kang kumuha ng isa sulatan mo nalang ng i heart boracay-" sumingit si Drei.

"Share mo lang ba yan, Ken?" tinaasan ako ng kilay ni Drei. Umirap ako at humalukipkip.

Sa mang inasal nalang kami kumain. Mabubusog talaga kami dito libre kanin e HAHA.

Kinonek namin yung dalawang mesa sa isa para sabay sabay lahat. Si Azi at Al yung umoorder. 

Di rin nagtagal dumating na yung pagkain. Liningon ko sila ni Jess at Drei na nag aasaran umiling ako at bumaling sa pagkain ko. Tinapik ni Brih likod ko.

"Okay ka lang, dude?" bulong niya tumango ako.

"Usap tayo maya may itatanong ako." tumango ulit ako.

Natapos na ako at pumuntang cr. Naghugas ako ng kamay at lumabas. Nakatayo si Brih inaantay ata ako. Suminghap siya.

"Are you gay, bro?" tanong niya at lumapit sakin. Nanlaki mga mata ko.

"Dude, are you gay?" ulit niya. Suminghap ako at tumango di siya tinitingnan. Nagbuntong hininga siya at inakbayan ako.

"Do you like, Drei?" tanong niya.

"Hindi pwede." simple kong sagot. Shit this.


Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon