Chapter 17

101 2 1
                                    

Ken's POV

That guy.

(Gawa gawa ko lang po ang lahat apir tayo!)

Gumising ako at tiningnan yung orasan, alas diyes y media pa ng umaga. Well narinig kong sila na daw ulit ni Drei at Jess or something di pa naman nila kinomperma but i think sila na nga yung lagi silang wala sa gala? Yung pagdikit? Yung tingin ni Jess kay Drei tuwing may lumalapit sakanya. Bumuntong hininga ako at lumiyad ako pabalik sa kama. 

Shit nito ayoko talaga bumangon pero ayoko naman maiwan dito ang boring. Liningon ko ang kama ni Azi tulog parin siya. Gulong gulo ang buhok niya, may sakit daw siya e balot na balot siya. 

Suminghap ako at tumayo. Pumunta akong banyo at naligo. Tulala lang ako, kailangan ko na talaga siyang kalimutan nakakagago na e. Nagpunas ako at nagbihis na. Nagblow dry ako at tiningnan sarili ko sa salamin. 

Nagkhaki joggers ako at tank top hoodie with rubbershoes revealing my kinda huge biceps. Plano ko kasi mag jog. Nginitian ko sarili ko sa salamin at pinasadahan ang buhok ko.

Pagkatapos ng almusal ay naghugas na ako ng pinggan at chineck ang phone ko. Tss nothing much to read actually, just the bombarding messages from our class group chat nagtatanong kung may project ba and all. Ngumuso ako at umiling.

Nasaan na kaya sila? Ang tahimik.

Biglang may tumawag. Si Riri of course sinagot ko.

"What?" nagkunot noo ako.

"Sungit di ba pwedeng good morning o hi?" sabi niya sa kabilang linya. Bahagya akong tumawa.

"Hi, Riri!" sigaw ko. Narinig ko ang pagmura niya. 

Umirap ako at tumingin sa labas. 

Nakita ko si Drei na nakikipaghabulan sa aso nila Azi.

Aba nagkakasundo sila ng aso. Tss mukha kasi siyang aso. 

Ano ba Ken pati aso pinagseselosan mo. Umiling ako.

Nasaan kaya si Jess? Baka binabaon nanaman sarili sa buhangin

"HOY KEN!" napatalon ako. Nakalimutan ko kausap ko pala siya.

"Ano?"

"Sabi ko watch over Azi may fever yun. Take care of him, please." tumango ako.

"Hoy!" sigaw niya ulit. 

Ay di niya pala nakikita pagtango ko tanga mo Ken. Humagikgik ako.

"Sisilip silipin ko lang siya. Ayoko buong araw ay nakatutok sakanya tss." di siya nakasagot agad.

"Bakit hindi nalang ikaw ha? Nasaan ka ba?"

"Nasa kwarto ni Drew" namilog mata ko. Hmm I smell something fishy.

"Bakit?"

"May sakit rin..." natawa siya. 

"Ganito ba sila 'pag may sakit ang isa may sakit rin yung isa?" tanong ko.

"Aba malay ko, Ri. Maya na jojogging na ako!" 

"Oh segi! Basta bantayan mo si Azi kung pwede!" umoo ako at pinutol ang linya. Tumunog ulit phone ko tiningnan ko kung sino iyon.

Si Zack text siya ng text.

Umamin siya noong nakaraan na nahuhumaling siya sakin Bullshit may gab na nga may ken pa tangina. Di pa ba siya nakukuntento? 

Nakakdiri! Yuck!

Nagbuntong hininga ako at binasa iyon. May Gab naman siya e bakit pa ba ako tinitext tss.

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon