Chapter 12

71 2 0
                                    

Riri's POV

Sick.

Gusto ko pa sanang maglibot pa pero gumigive-up na ang paa ko. At ang init! Yung mga turista nagbababad pa sa sikat ng araw. Palibhasa mapuputi kaya nagpapasunog ng balat! weird.

And si Ace kanina pa nagrereklamo.

Kaya bumalik na kami sa villa ni Azi.

Pagbalik namin dun lang ako nakaramdam ng sobrang pagod. Bagsak na bagsak ang katawan ko sa sofa! Si Ace dumeretso sa kwarto niya.

Hmmm.

Ba't masyadong tahimik ang paligid? Wala ba si Drew?

 —  

Waaaaaaaah! Di ako makatulog!

Natulugan kasi ako kanina sa sofa kaya di na ko dinalaw ng antok ngayon..

Pabiling biling lang ako sa higaan, dilat na dilat ang mga mata. Malapit nang mag'ala-una ng madaling araw.

Sa inis ko bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto.

"Iinom na lang ako ng gatas." bulong ko sa sarili habang pababa ng hagdan.

Nagulat ako sa naabutan ko pagpasok sa kusina.

Si Drew!

Lumingon sya sakin then binalingan na yung gamot ata na iniinom nya .

"Dapat sa umaga iniinom ang vitamins ." sabi ko.

"Yeah." lumakad na siya palabas ng kusina.

Eh? Naninibago ako sa reaksyon nya.

"Drew," lumingon naman sya

Napansin kong may mali sa kanya. He looked tired and exhausted. Di ko tuloy mapigilan ang mag-alala kahit pa di kami magkasundo.

"What?"

"Are you sick?"

Napatigil siya at humarap sakin.

"Bumaba ka lang ba rito para tanungin ako ng walang katuturang bagay?"

"Of course not," depensa ko.

"Then goodnight."

"But you did not answer my question." hinabol ko siya sa hagdan at kinabig ang braso. 

"You're sick."

Hinila niya yung braso niya mula sa pagkakahawak ko.

"Don't go touching me that easily. That counts as sexual harassment."

"Sexual harassment? Sino kaya satin ang unang makukulong?"

"You're irritating," sagot niya at umakyat na sa hagdan.

Kita niyo to? May sakit na ang supla-suplado pa! GRR!

Pinilit ko na lang maging mahinahon.

"Gusto mo bang tumawag ako ng doktor ? O di kaya alagaan na lang kita?"

"Huwag na, baka lasunin mo pa-"

"Drew!"

Tumakbo ako agad palapit sa kanya. Bigla kasi siyang sumuray at nakakapit lang siya sa balustre.

"Are you alright? Dadalhin na ba kita sa ospital?"

Umiling lang siya at umupo.

"I'm just overfatigued."

Hinawakan ko ang noo nya.

"Mainit ka."

"Leave me now, I can manage myself."

"Argh!"

Hinampas ko sya nang malakas sa braso kahit may sakit sya.

"Ba't ka ba ganyan? Nag-aalala na nga ako sayo ikaw pa ang may ganang magalit! Ganyan ka ba talaga, ha? Lahat ba ng lumalapit sayo itinataboy mo palayo?" bulyaw ko sa kanya.

Natigilan sya sa sinabi ko. Tiningnan nya lang ako nang matiim.Ewan pero bigla akong kinabahan.

"Because if you keep getting closer to me, I might-"

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon