Chapter 19

49 1 0
                                    

(Last Chapter.)

Gab's POV

Stars.

Niyaya ako ni Jake na pumunta sa The Halo-Halo Hut gusto niya daw magpalamig kasama ko. Sumama pala siya kay Azi, di ko siya napansin. Classmate rin kami nito sa Biology, we always study together every library period siya kasama ko. Mamaya uuwi na kaming lahat.

Umupo ako sa isang bakanteng lamesa. Habang hinihintay siya I took the time to check my phone. Umiling iling ako. Away nanaman.

"Heyyy." may kumaway sa harap ng mukha ko. Kunot noo ko itong tiningnan.

"Sungit." umiling siya at umupo sa harap ko. Si Jake.

"Sa dinami daming pwede mong yayain ba't ako pa?" tiningnan niya ako sa mata at nagkibit balikat.

Siya na ang nag-order para sa aming dalawa. Pinag usapan namin yung mga tropa, school at buhay namin hanggang sa dumating na ang halo halo.

"Si Azi, musta naman kayo?" biglaan niyang tanong.  Nagkibit balikat ako habang hinahalo halo yung halo halo.

"Busy na siya sa nobya niya e." tiningnan ko siya at nginitian. Tumango siya at suminghap.

"Gusto mo ba siya?" tanong ni Jake at sumubo ng isang kutsara.

"Hanggang ngayon naman."

"Gab, yung halo halo. Sa kakahalo mo magiging sabaw na yan." turo niya. Di parin nawawala titig niya sakin na para bang gusto niyang malaman ko na may nalaman siya tungkol sakin.

"Alam mo ang pag-ibig parang halo halo." kinagat niya labi niya.

"'pag hinayaan mo lalamig ng lalamig ito. Minsan 'pag pinahintay mo talaga ng matagal mawawala na yung tamis. Kung hindi mawawala onti nalang malalasahan mo."

"Bak-"

"Yun naman ginawa mo kay Azi diba? Noong kayo ni Zack parang tinalikuran mo na yung mga taong andoon sa tabi mo noong walang wala ka pa."

"No, jake."

"Pagkatapos ng ginawa ni Zack sa'yo sa bar. Yung nakita mo siyang may kahalikan na iba umiyak ka diba? But then Azi was there for you." naging baritono boses niya.

"You said you love him that night and he said he loves you too tapos kinabukasan si Zack parin tinakbuhan mo? Pagkatapos ng ginawa ni Zack sakanya ka parin?" napatahimik ako.

"He loved you so much pero mas pinili mo yung mas gago pa sa lahat ng mga gago sa mundong 'to." aniya sa  matigas na tono.

Umalingawngaw yung kanta ng the paper kites na revelator Eyes na galing sa malapit. Humarap ako at nakatingin parin si Jake sakin. Ngumiwi ako bago sumubo.

Tell me when you let go...

You can let it right in... 

I don't like the way you.. 

Speak like you're tied up.

Nilingon ko siya. Ganoon parin tinitingnan niya parin ako. Nang bumalik pagkatao niya ay umiling siya at nagkunot noo.

"M-Mamaya na a-alis niyo diba?" tumango ako. Tumayo siya at inayos ang sarili.

"Tara na." aniya na naglalakad pa palayo.

"Yung halo halo! Di ko pa natapos." di niya narinig kaya sinundan ko nalang siya.

_

"Uy di saan ba tayo?" ngumuso ako at sinundot tagiliran niya.

"Villa nila, Azi." di niya parin ako tinitingnan. 

Tumikhim nalang ako at namulsa.

"Oh? Napadalaw ka?" panimula ni Azi na agad sinapak ni Jake.

God, that smile.

"Uhm I want to ride with gab pauwi." liningon ako ni Azi dahil sa request ni Jake. Tiningnan niya ako bago tumikhim at tumango.

"Salamat." nag-apir sila. Umalis si Azi at bumalik si Jake sakin.

"Ready na ba gamit mo? Aalis na tayo maya maya." ngumiti siya. Tumango nalang ako.

"Tangina naman!" sigaw ni Al habang sinisipa yung gulong ng kotse nila Azi. Ilang beses na kaming nasiraan ikatatlo na ata 'to.

"Pssst." napatalon ako. Liningon ko yung tumawag si Jake tumatawa siya habang tinatapik yung banig sa likod ng pick up.

Plinano niya ba 'to? Lumapit ako sakanya hindi parin nawawala yung ngisi sa labi niya.

"Plinano mo 'to eno?" tanong ko at umakyat. Inalalayan niya ako.

"Hindi naman." tumikhim siya at may pinatugtog sa maliit na speaker.

"Slight lang." lumapad lalo ngiti niya habang kinukumutan ako. Binulungan niya ako "malamig baka matatagalan sila." 

Give me little reason to refuse my centre...

Shifting in with feelings of a sweet surrender...

The lyrics sent shivers down my spine. Liningon ko si Jake na nakahiga habang tinitingnan yung mga butuin.

I can feel it I can feel it alone...

"Hindi ka h-hihiga? Baka inaantok ka na." tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

Tumikhim ako at tumabi sakanya. Pinagmasdan ko ang mga bituin.

I can love you if you want me too...

I don't know what to think...

"Ang pag-ibig ay parang bituin na kumikinangkinang na." suminghap siya.

"dapat ingatan.." tumingin siya sakin. Lumunok ako at tumango.

"Matutulog lang ako. Gisingin moko 'pag okay na yung sasakyan." tumango siya. Aayusin niya sana yung kumot ko kaso pinigilan ko siya.

"May kamay ako." ngumiti ako at napahinto siya.

"O-Oh segi. G-Goodnight."

"Punyemas naman pare! Ba't ayaw!" sigaw ni Al.



Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon