Chapter 16

89 0 0
                                    

Maya's POV

First move.

Pumunta na'ko sa kwarto ko at dumeretso kagad sa higaan. Nagpagulong-gulong ako. Hinampas-hampas yung mga unan. At nagtalon-talon.

Ganito ako 'pag bored. Hays yung iba nasa labas pa nag iinuman. Tss walwal? So not me. Baka andoon rin sila Seph at Entice tsk.

I was planning to spend each day of my vacation with Seph kaya lang mukhang nasa bruhildang impaktitang babaitang Entice An-An nayun yung oras nya. Di ko hahayaang sirain lang ng isang An-An ang plano ko.

Ano nga bang dapat kong gawin para madispatsa ko na yung ekstra na yun ?

Hmm.

"Aha! Alam ko na!" napaupo ako sa side bed mula sa pagkakahiga.

—  

Entice's POV

Nandito kami ngayon ni Seph sa may D'mall, sa may Jollibee. Nagpaalam kami kela Azi na lalabas muna buti nalang pumayag hehe.

Ililibre niya daw ako. Tatanggi pa ba ako?

Paborito ko dito eh, kumakain pa rin naman kami sa iba kahit na may resto na siya.

Babawi daw siya sakin dahil sa pagtataray ng Maya na yun.

Nakwento na niya sakin yung babaeng yun noon. Maldita daw talaga yun eh pero mabait naman daw pag nakilala mo na nang lubos.

Oo, maldita nga sya.

Pero di naman sinabi sakin ni Seph na kapatid pala ni Lucifer yung babaeng yun.

Ang arte arte. Kung makapanlait wagas.

O sige. Let's say, maganda nga siya.

But duh? Maganda din naman ako para sabihan niya ng kung ano-ano.

Buti nalang mahaba pasensya ko, kung hindi e talagang papatulan ko na yun.

Well, thanks to my Seph.

Teka speaking of the devil, nakita namin si Maya na papalapit sa table namin. And weird. Ang lapad ata ng ngiti niya.

Bigla tuloy akong kinabahan, ano na naman bang eksena ang gagawin ng maldita nato?

—   

Maya's POV

Wala akong ginawa kahapon kundi magmukmok sa condo ko. Tinatamad na kong lumabas. Panira kasi ng araw yung pesteng An-An na yun.

Hay! kung di lang sumingit yang An-An na yan siguro nasolo ko na si my loves ko.

So ngayon magsa-shopping nalang ako para iwas bored. Baka mastress ako. 

At pag na-stress ako baka magkaroon ako ng tagyawat.

At pag nagkatagyawat marurumihan ang maganda kong mukha.At ayokong mangyari yun.

So here I am naglalakad lakad mag-isa.

Woah wait wait wait. WAAAAAAAAAAIT.

Tama bang nakikita ko?

Sina Seph at An-An Bruhilda nakita ko sa may Jollibee. Nagkekwentuhan tapos may tawa-tawa effect pa. 

So hanggang ngayon magkasama pa rin sila? Shit. I can't stand this.

Hmm I think oras na para simulan ang plano ko.

Pumasok ako dun tas naglakad papunta sa kinaroroonan nila.

Nagsitinginan yung mga tao sakin.

Sino ba naman di mapapatingin sa isang mala-supermodel na gaya ko? Yung ibang mga babae, nagbulung-bulungan.

Mga insecure. Mamatay sila sa inggit.

Nakatingin din yung dalawa sakin. So I gave them my plastic smile.

"Hi Seph." bati ko kay Seph sabay pa-cute tas binalingan ko naman yung bruha. 

"And hello there EN-TICE!"

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon