Chapter 7

91 2 0
                                    

Jam's POV

Cigarette.

Lumabas ako sa bar at pumunta sa isang madilim na eskinita kung saan walang gustong tumambay o sumulyap. Sumandal ako sa pader at kumuha ng sigarilyo.

Ngumisi ako habang sinisindihan iyon, slowly sucking the burning sensation and huffing a think cloud of smoke out.

Masyadong maingay ang club para sa isang babaeng katulad ko, sumandal ako lalo at namulsa. Mga pawis na katawan at kamay kinukuskos sa bawat isa. It ain't my thing. Kadiri. Yung hawak ko ngayong is the real thing.

Biglang bumukas ang backdoor ng club at may lumapit sakin na lalake. Di ko masyado makita ang mukha niya dahil ang dilim pero sa height niya palang at body figure, plus yung style niyang maroon na v-neck at itim na maong with Timberlands, I could tell he is around 16? maybe 17? Idk.

"Pare, pwede humingi ng isa? Naubusan na ata ako e." his deep voice called out to me. Ilang hakbang ang ginawa niya. Soon, I was able to make out his face.

Not bad, gwapo siya.

"Wait, hindi ka pare." aniya natatawa.

"So?" umirap ako. People always give me this kind of reaction when they saw me smoke.

"Ang mga babae hindi dapat naninigarilyo." humakbang siya ng dalawang beses palayo.

"Tumahimik ka. Do you want or do you not want this shit?" winagayway ko ang kahon ng sigarilyo ko, my dark maroon nails standing out when the light from the lamp post shone upon it.

Tumikhim siya at kinuha ang kahon sa kamay ko, kumuha siya at binalik saakin yun. "Salamat."

"Walang problema."

Tahimik lang kaming nakatayo doon, minding our own business.

"Ano pangalan mo?" tinanong ko siya. Napatigil siya at tumingin sakin ilang segundo pa bago siya sumagot.

"Al." tumango ako.

"You?" tanong niya naman.

"Jam." 

Naging tahimik nanaman. Tanging naririnig namin ay ang tugtog galing sa loob.

"Nga pala, Al?"

"Hm?"

"Girls smoke too."

"No, girls don't."

Liningon ko siya at ngumuso. Dapat alam niyang di lang sila ang naninigarilyo porke-

"But bad bitches like you do," ngumisi siya.

I returned the gesture pagkatapos ko iyon marinig sakanya. I think I'm going to like this guy.

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon