Chapter 4

143 4 0
                                    

Maya's POV

Home.

Finally, I'm here. I've been dying for this moment to come! and finally this is it!

Nasa harap na'ko ng resto ni Seph where he used to spare his precious time! According to my research. Yeah. Nagresearch pa ko. Pano ko naman malalaman eh kakauwi ko lang kahapon from New York. 

10 years ako dun. And sa ten years na yun, di pa rin nawawala sa isipan ko si Seph. At kaya lang naman talaga ako bumalik dito sa Pinas is because I want to see him. I want to spend my whole vacation with him. And I want him be mine at kung sino mang bruhildang babaita ang magtangkang umagaw sa kanya ay ipapasalvage ko. Ilulublob ko sa imburnal, at ipapatapon sa Ilog Pasig! 

Wait. OMG. Everyone's looking at me. Oh well. Nastarstruck siguro, sino ba namang di maaattract saken? I'm perfect. Definitely, absolutely, without a doubt. I'm the complete and real definition of a Goddess.

Sa lahat ng insecures at aangal, pakamatay na kayo. Dahil baka mas lalo pa kayong malait, pag binangga niyo ang ultimate dyosang si Maya. Walang iba kundi ako!

Pumasok na ako sa loob. Baka matunaw ako sa labas. And there he is! So Hot! So Handsome! So cool! And perfect like me. Kaya bagay kami.

I did my sexy walk towards him. He saw me. Nakakunot-noo pa nga eh. Pero pogi nya pa rin.

"M-Maya? I-Is that y-you?" di makapaniwala nyang sabi. 

"Bakit? May iba pa bang sing-ganda ko? Yes! It's definitely me Seph! Your rich, pretty childhood bff!" I answered sabay hug sa kanya. 

Oh my god! I missed him. Ambango-bango naman! Mas lalo tuloy akong nainlove! 

"Seph, love. Who is she?" tanong ng babaeng nasa likod niya.

Napabitaw ako kay Seph.

Sino naman tong ekstrang babae na to? At anong tawag niya kay Seph? Love? Maybe she's her- NO WAY!!

"Oh, love. This is Maya my bestfriend."

"Maya, she's Entice..." sabay yakap ng isang kamay niya sa bewang ni impakta. 

"My.. girlfriend." ngiti niya sabay tingin sa babae.

"Y-You have a girlfriend ?" wala sa sarili kong tanong. Kakasabi lang nga na jowa niya diba? Tss.

"Actually, kakasagot palang niya sakin this day.." nakangiting pahayag ni Seph.

"Uhm. Hi Maya, nice meeting you!" sabay abot sakin ng marurumi nyang kamay ng pesteng An-An na'to. Hindi ko pinansin at umirap nalang ako.

Binaba niya ang marumi niyang kamay.

"Alam mo kasi..." sabay taray-tingin ko sa impakta nato. 

"Hindi ako basta-bastang humahawak ng kamay ng kung sino-sino lang diyan. Malay ko ba kung pasmado yun or inaamag na diba? Tss mahawa pa ko." sambit ko at napamaang yung dalawa sa sinabi ko.

Bakit ba? E hindi naman talaga ako tumatanggap ng handshakes.

"A-Ah okay. Beso nalang" bumalik na ata sa sarili niya si impakta.

Ilalapit na sana nya yung nakakasukang mukha niya sakin pero syempre, lumayo ako.

"Oops. Sorry ha, di rin ako nagbebeso sa mga di ko ka-close. Ayoko kasing madikitan ng kung anong damaged-faces yung skin ko, lalo na yung mukha ko " pagtataray ko.

"What the shit, Maya? Kahit kelan talaga napakamaldita mo. Kakakilala mo palang nga kay Entice pinagtatarayan mo na!" kunot noong sambit ni Seph. Pinapagalitan niya ako what the actual fuck?

"Joseph! I'm just telling the truth! Di naman talaga ako nakikipag-handshakes at beso sa mga di ko kilala " giit ko. Suminghap siya at pumikit ng mariin.

"Kahit na! You should know when to use your dirty mouth! Not to anyone, and specially not to Entice! She's my girlfriend now and you should at least respect her!" 

"Seph. Love, tama na." pigil sa kanya nitong bwisit na babaita.

Mas mahalaga pa sa kanya tong lintek na nobya niya daw kesa sakin na matagal na niyang kilala.

"Fine!" sabay talikod ko. 

"Aalis na lang muna ako baka kasi nakakaistorbo ako sa lampungan niyo dyan!"

Nakailang hakbang na rin ako palayo sa kanila, nang biglang may naalala ako.

"Oh, and by the way. Kakauwi ko pa lang pala from New York kahapon. And don't worry, naging maayos naman pamumuhay ko dun for 10 years. 10 YEARS na di tayo nagkikita, naging okay naman ako." oo, pero palagi kitang iniisip.

"Yun kung sakaling gusto mong malaman."

Di pa pala ako nakapagkwento sa kanya tungkol sakin sa 10 years na pamamalagi ko sa NY. Di na ba ako namiss?

Nagpatuloy na ko sa paglalakad, dahil parang babagsak na yung ulan.

Ngayon ko lang na-realize, kanina pa pala nakatingin saamin yung mga tao dito. Tss mga usisero, usisera, tsismoso't tsismosa.

Damn. Sarap hilahin mga mata nila. Lumabas na ko ng resto. Shit. Akala ko magiging masaya yung pagkikita namin ulit.

Las équipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon