PROLOGO

468 19 6
                                    

***

Sa piling ng walang hanggang kadiliman ay may puso ng isang inang nangungulila. Isang nilalang ang sumasabay sa panaghoy at pagdurusa ng isang natatanging prinsesa. Isang nilalang na ang hangad ay kalayaan ng katotohanan at kabutihan.

Ang mga ungol na kumakawala sa kadiliman, kahit hindi maunawaan ng kanyang kapaligiran at mailarawan ng sinumang nilalang ang nilalaman ng kanyang puso't isipan, hindi maikukubli ang kanyang kalungkutan.

Sa makapangyarihang isipan niya lamang nasubaybayan ang paglaki ng kanyang anak. Batid ng dakilang Bathala ang kasabikan niyang mahagkan ito at mayakap. Hindi na kinakayang tiisin ng kanyang puso ang mga luhang araw-araw ay dumudungaw sa mga mata ng kanyang anak, subalit wala siyang magawa.

Nakabibingi ang katahimikan. Malayo sa masayang buhay na kanyang kinamulatan. Sa gitna ng kawalan ng pag-asa at takot na pumipiga sa kanyang puso, umaasa pa rin siyang isang araw, mayroong tatawag sa kanyang pangalan. Isang tawag na may kasamang magandang balita.

Umaasa pa rin siyang mahahanap siya-ng kanyang asawa, ng kanyang anak at ng sinumang may puso para sa paggawa ng kabutihan.

Sa pagsapit ng itinakdang panahon-ang napipintong paglapit ng buwan sa mundo at makapangyarihang liwanag nito, may magagawa kaya siya?

Makawala kaya siya sa itim na mahika?

---

BAKUNAWA: Ang Paglalakbay ni AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon