1st SECRET

54 5 0
                                    

Ang storyang ito ay may TEMA, LINGGWAHE, KARAHASAN, SEKSWAL at DROGA na hindi angkop sa mga batang mangbabasa.


Read at your own risk.


Wag awayin ang diyosang otor dahil siya ay NAMBUBUGBOG ng pagmamahal at lumalaban sa SAKSAKAN ng kagandahan.


Seriously, PATAYAN at kakaibang TEMA ang nakapaloob dito. Kung hindi kayang i-take ng malinis niyong pag iisip, stop reading ngayon pa lang. Kayo din, baka mamaya maging BLUE ang pag iisip niyo.


Kung pasaway ka talaga at gusto mo itong basahin, please VOTE and leave a comment *smiles* Kapag hindi niyo ito i-vo-vote... eh 'di hindi *laughs* madali lang naman ako kausap. Follow niyo nalang ako. *wink*





It'll start here.. Ikaw? Anong sekreto mo?








S2BU#1








Katelyn Zhein's POV





"Grabe naman. Sa school pa talaga."


"I can't take it. Kung nakita niyo lang.. nakakadiri!"


"Kawawa naman sya."


"Ano kaya yung dahilan?"


"Sayang naman sya.. Matalino pa naman"




Kasabay ng mga naririnig kong bulong-bulungan ay ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib. Mabilis akong naglalakad papunta sa lugar kung saan nagkukumpulan ang mga tao...






...sa Library



"Mali sana ang nakarating sa'king balita.." pipi kong usal sa aking sarili



Lahat ng taong nakaharang sa dinaraanan ko ay kusang nagbibigay daan sa t'wing nakikita nila na ako ang dadaan.



"Excuse me!" malakas kong sigaw. Masyadong marami kasing nakaharang na tao sa pintuan ng library.. ang ingay. Daig pa nito ang isang blockbuster movie. Masyadong maraming nakiki-usyoso.


"Tumabi kayo, dadaan si Ms. KZ." sigaw din nung isang babae


Dali-dali naman silang pumagilid para makapasok ako.


Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa pintuan ng library ay napatigil na ako sa paghakbang.


Animo'y nawala lahat ng lakas ko sa katawan. Nanginginig na yung tuhod dahil sa emosyon na nararamdaman ko ngayon. Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba ako dinadaya ng mga mata ko?


Ibig sabihin, totoo nga?


Nanlalabo na yung paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang pumatak pero kumurap kurap ako para mawala yun. Masyadong maraming tao.. hindi ako pwedeng umiyak. Dahan dahan akong lumapit sakanya..





Sa Bestfriend ko..




kay Kimberly Rodrigo..




'Sender: Miss Lori
KZ wag ka sanang mabibigla. May mga pulis dito sa A.U.. natagpuan kasing patay si Kimberly Rodrigo.. Come here ASAP.'

Tama nga ang nakalagay sa natanggap kong text na galing kay Miss Lori? Hindi yun prank text?



Akmang lalapitan at yayakapin ko sya kaya lang may pumigil saakin.. mga pulis.


Secrets to be UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon