S2BU#9
Katelyn Zhein's POV
Halos isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat— ang pagkamatay ni Kim at ang pag kawala ng bangkay niya. Sa isang linggo na yun, wala pa ring nahahanap at nalalaman ang mga pulis. Mga walang kwenta talaga ang pulis sa Pilipinas. Nakakainis.
Kung pagmamasdan mo ang A.U balik na sa normal ang lahat. Parang walang naganap na hindi magandang pangyayari dito. Hindi naman lumabas sa media ang nangyari dito dahil ipinagbawal naming Student councils at staffs ang pagsasabi nun sa ibang tao na hindi nag aaral dito sa A.U. Pati na sa mga nag imbestiga ay binayaran namin para manahimik. Hindi naman ito ginagawa para pagtakpan ang A.U, makasisira kasi yun ng image ng paaralan. Well, sort of pala.
Balik na kaming A.U's R sa kanya-kanya naming gawain. Pag attend sa mga klase namin at kung ano-anu pang gawain. Lifes go on. Ganun talaga. May namamatay, normal lang yan. Una-na lang naman yun diba?
Tinanggap ko na rin na nagpakamatay talaga si Kim. Wala naman na akong magagawa kung yun talaga ang nangyari. Hindi ko naman mapatunayan na may pumatay sa kanya e. Yung bangkay niya? May kutob daw si Rae na isa sa myembro ng Rodrigo ang kumuha para makaiwas sa kahihiyan at pagksira ng pangalan ng pamilya nila. Ewan ko na kung ano ang dapat paniwalaan. Nakaka stress.
"Ano ba! Bulag ka ba o sadyang tanga lang?!"
Nagulat ako ng biglang may sumigaw, si Mikaela. Nasa harapan niya ngayon yung isang babaeng may makapal na frame na eyeglass.
"Sorry po Ms. Mikaela.. hindi ko po sinasadya" parang maiiyak na yung babae
Napunta sakanila yung atensyon ng mga tao dito sa cafeteria.
"Sorry? Hindi ako tumatanggap nun" sabi ni Mikaela. Lumapit sya sa pinakamalapit na table mula sa kinatatayuan niya at kinuha yung isang plato ng spaghetti tapos tinapon niya yun sa ulo nung babae. Hindi pa sya nakontento, kinuha din niya yung coke at ibinuhos din.
Umiiyak na tumakbo naman yung babae.
"Serves you right" nakangiting wika ni Mikaela bago lumapit samin.
Nandito kasi kami sa cafeteria. Break time naming A.U's R and as expected, gumawa na naman sila ng little scene.
"Nag enjoy ako sa panood Mika. I missed this" nakangiting sabi ni Bea ng umupo na si Mikaela
Napailing nalang ako. Hindi pa rin sila nagbabago.
"Ang tanga naman kasi yung babaeng yun. Ang laki na nga ng salamin, hindi pa ako nakita, nabangga niya pa ko" sabi ni Mikaela
"Woooah! Welcome back Mikaela. Halos isang linggo ka ring nanahimik sa pang bubully ah" mapang asar na wika ni Gavin
"Nagsalita ang hindi nanahimik. Kelan ka ba babalik sa pagiging prankster mo? Need some props?" sarcastic na sagot ni Mikaela
Nagtawanan na lang sila maliban samin nila Rae.
Pagdating talaga sa ganyan, sila ang nagkakaintindihan. Hobby na ata ni Mikaela ang pang bu-bully. Si Gavin naman mahilig mag set up ng mga pranks. Yung tipong gumagamit pa siya ng props para mang asar. At ang latest na ginawan niya ng ganun ay yung secretary ng student council kung saan nilagyan niya ng totoong ahas yung drawer nito. Halos mamatay sa takot si Elaine nun—at masaya sila dun.