"...and they remain SILENT." -S2BU
Ronnie's POV
Kakarating ko lang sa bahay ko galing sa batanggas. Ang akala naming magiging masayang celebration ay naging bangungot. We never expect it to happen to us. Nakakagulantang.
Hindi pa rin maalis sa isip ko lahat ng nangyari.. lalong lalo na yung nag iisang rule.. kinakabahan ako.. hindi para sakin kundi para SAKANYA. Hindi pwedeng malaman nila ito.
Ang tahimik. Inaasahan ko na nakangiting mukha niya ang sasalubong sakin pero wala. Dinial ko yung number niya.
"The number that you have dial is now un-attended. Please try again later.."
"SHT!" Binato ko sa kama yung cellphone ko. Nakakainis! Nakakailang tawag na ko pero di ko parin siya macontact. Nag aalala ako para sakanya. Baka madamay siya sa kung sinuman ang nakikipaglaro samin.
Bakit wala siya ngayon dito? Usapan namin na pupunta siya ngayon dito diba? Pero bakit wala siya?
Nagring yung cellphone ko.
Agad ko itong kinuha kasi baka SIYA yung tumatawag.
Napasimangot ako ng makita kong si Bea pala.
"Zup?" tanong ko
"Pinapatawag tayong lahat ni Inspector Garcia. May nalaman na daw siya. Go to his office, ASAP Rons"
"Okay"
Pagkatapos namin mag usap, sumakay na agad ako sa kotse ko.
Kakastart ko palang sa kotse ko ng biglang may nag 'beep', a sign na may nagtext saakin.
Muntikan ko ng mabitiwan yung phone ko dahil sa laman nung message. Agad kong tinwagan ulit yung number niya pero cannot be reach na ulit.
Mabilis kong pinasibat yung kotse ko. Kailangan ko na talagang alamin kung sino ang nasa likod ng nangyari saamin.
I'm not sure what that text message means, pero may kutob ako.
Nasa isip ko parin yung text ni Miranda sakin habang tinatahak ko yung daan papunta sa office ni Inspector-
"Help me, Ronnie"
Rae's POV
"May kilala ba kayong 'Kesha'?"
Yan yung bungad na tanong samin ni Inspector Garcia. Kompleto kaming A.U's R dito sa office niya. Ang masayang anniversary ng friendship namin ay napunta sa ganito. Watta experience.
"Wala ho" halos sabay sabay naming sagot.
"Sigurado kayo?" parang nagdududang tanong ni Inspector
"Bakit niyo ho ba tinatanong?" tanong ni Jayden
May nilapag siya sa lamesa na singsing na nakalagay sa plastic sip. Nakaupo kasi kami sa isang table na mahaba-parang conference table.