11th SECRET

88 1 0
                                    

"Not all that you can see is the TRUTH and not all the TRUTH is you can see." —S2BU#11







S2BU#11







Jayden's POV





"Murder pala. Sino kaya ang gumawa nun?"



"Korek. May kagalit pala yun. Akala mo kung sinong santa noon noh?"



Huminto ako sa paglalakad. Hinarap ko yung babaeng nasa likod ko at kanina pa nag dadaldalan. Nagulat pa sila nung nakita nila ako.




"Never.Ever.Talk.About.Her. Understand?" may diin bawat salitang binigkas ko




Tumango-tango sila at dali-daling lumakad paalis. Sinuklay ko yung buhok ko gamit yung daliri ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw kong pinag uusapan si Kim, pinsan ko parin siya after all.




Ang dami talagang tsismoso at tsismosa dito sa A.U. Ang bilis din kumalat ng balita, waring may pakpak ang balita at halos karamihan ay alam na agad yung sinabi ni Inspector kanina. Daig pa nito si Flash sa bilis.




Medyo madilim na ngayon sa A.U. Late na kasi ako natapos sa mga pinirmahan ko kanina sa student council office. I sigh. Ang hirap maging vice president lalo na kung sakin pinapasa ni Kate yung ibang gawain. Yung babaeng yun talaga.




Pag kadating ko sa bahay may nagsisigawan na naman sa may library namin. Lumapit ako para marinig ko.



"Nasan ka kanina?! Nasa kabit mo nanaman ba?!"



"Wala! Bakit ba lagi ka nalang naghihinala?!"



"Hindi ako naghihinala! Alam kong may kabit ka! Sinungaling ka!"



"Wala nga! Wala akong kabit!"



Nakarinig ako ng nagbagsakan na kung ano. Lagi nalang.



Pumunta nalang ako sa kusina at uminom ng tubig. Tuwing magkikita sila Mama at Papa lagi nalang silang nag aaway. Nakakasawa na. Kailan ba sila magkakaayos? Hindi naman sila dating ganyan. Masaya kami. Buo yung pamilya namin, masayang pamilya. Sabay-sabay kumakain sa hapagkainan. Inaasikaso kami ni Mama. Namamasyal kung saan saan. Magkakasamang nanunuod ng T.V. Ewan ko ba kung anong nangyari at isang araw nagising nalang ako na sira na yung pamilya namin. Sirang sira na.



Gusto kong magpakalasing ngayon dahil dito sa nangyayari sa bahay pero naisip ko din na wag nalang. Maaga pa yung byahe namin bukas papunta sa rest house nila Bea.




Kung may magagawa lang sana ako para maayos itong pamilya na ito. Pero I know, hindi ko na magagawa yun. Sabi nga nila, ang papel pag pinunit mo, kahit inayos mo hindi na ito magiging katulad ng dati. Papel pa rin pero hinding hindi na maibabalik ang dati nitong itsura.




Pagkaakyat ko sa kwarto ko nag impake na ako ng mga dadalhin ko. Overnight lang naman kami kaya isang bag pack lang yung dala ko. Pagkatapos kong mag ayos nahiga na ako.



Sinulyapan ko yung picture frame na nasa side table.




Kinuha ko ito at pinagmasdan...





Ang litrato ng pinakatatago kong lihim..









Detective Brendon's POV





Secrets to be UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon