14th SECRET

12 1 0
                                    

"Run or stay. Whatever you'll choose, there is only one thing that's waiting for you.. DEATH." -S2BU







S2BU#14








Lori's POV





"Tuloooong! Tulungan niyo po akooo!"




Pahakbang na ako palapit sakanila ng napaatras din ako agad..



"Tulong? Wala ng makatutulong sayo! At kung meron man? Kung sino man yun, hindi na din yun aabutan ng sikat ng araw"




Nagtawanan sila. Nakita kong kuminang yung hawak nilang kutsilyo dahil  nasinagan ng liwanag ng buwan.




Nakatingin lang ako sakanila. Then later on, nakangiting lumakad ako palayo.




Napaisip ako. Bakit ko nga naman siya tutulungan? Ipagpapalit ko ang buhay ko para sakanya? NO! Naghihintay ang pamilya ko para sakin kaya hindi ako pwedeng mapahamak o mamatay. Ako lang ang inaasahan nila kaya hindi ko ipagpapalit ang buhay ko sakanya. Hindi ko din naman siya kilala eh.




Napahinto ako sa pag hakbang ng makita kong puro dugo ang kalsada. Dahan dahan kong inangat yung kamay ko-na ngayo'y punong-puno ng dugo.




"N-nooo..." hindi makapaniwalang wika ko




~ La la la la la
La la la la la




Nagpalinga linga ako ng may narinig akong kumakanta. Nakakapangilabot yung boses niya.




Natuon yung atensyon ko sa harapan ng may nakita akong batang babae na duguan at may hawak siyang kutsilyo. Palapit sa kinatatayuan ko habang masayang nagpapatalon-talon habang naglalakad.




~ La la la la- napahinto siya sa pagkanta at paglakad ng makita niya ko. Tinitigan niya ako tapos tiningnan niya yung hawak hawak niyang kutsilyo. Inangat niya ito, ka-level ng mukha niya then ngumiti siya saakin.




"Wanna play?"







Habol ko ang aking hininga ng magising ako. Napakasamang panaginip! Isang bangungot na matagal tagal na ding bumabagabag saakin.




"Umaga na pala" wika ko ng tingnan ko yung oras




Bumangon na ako at nag ayos na ng aking sarili. Maaga na lang akong pupunta sa school para naman makapaglibang at mawala na yun sa isipan ko..





**




"Tulala ka na naman Ms. Lori, may problema ba?"



Napatingin ako sa secretary ko dito sa A.U. Kahit secretary ko siya, magkaibigan ang turingan namin.



"Wala naman Rachelle.." tapos ngumiti ako ng pilit



Kahit na pilit akong nagpapakabusy, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang lahat. Lagi ko nalang yung napapanaginipan. At sa t'wing mangyayari yun, nawawala ako sa aking sarili.




"Kamusta na pala yung Mama mo Miss Lori?"




"Mas naging mabuti yung kalagayan niya"




"Mabuti naman pala kung ganun"




Nakangiti siya kaya ngumiti nalang din ako. Dun sa sagot ko sa tanong niya-- hindi yun totoo. Hindi ko talaga alam kung naging mas mabuti ba yung kalagayan niya- o mas lumala.




Secrets to be UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon