5th SECRET

45 4 0
                                    

S2BU#5









Rae's POV






Ilang minuto na kaming nandito sa hospital pero wala pa rin kaming ideya kung nasaan na yung bangkay ni Kim. Pati mga pulis at mga taga NBI ay wala pa ring alam. Sino ba ang maaring gumawa nito? Pati ba naman bangkay, ninanakaw?




Naawa na rin ako kay Kate. Ramdan kong apektadong-apektado talaga sya sa lahat ng nangyayari ngayon. Kahit gusto ko syang tulungan, hindi ko alam kung paano.. Isa lang ang tanging magagawa ko sa ngayon.. Ang hindi umalis sa tabi niya. Susuportahan at aalalayan ko sya bilang boyfriend niya.




Napatingin ako sa mukha ni Kate at napangiti ako. Ang swerte ko talaga na isang Katelyn Zhein ang naging girlfriend ko. She's one of the kind. Kaya nga mahal na mahal ko sya. No one can replace her in my heart. Cheesy masyado pero totoo. Ilang taon na ba kami? 3 months? 1 year? No.. more than 3 years na kami. Masyado na kaming matagal para mapaghiwalay pa.. Pagka graduate namin, plano ko ng yayain syang magpakasal.. Ilang buwan nalang.. Malapit na..





"Rae.."




Tiningnan ko ulit sya "Bakit babe?" nakasandal sya sa balikat ko ngayon




"Gutom na ako babe" parang bata niyang sabi sakin




Medyo natawa ako. Nagpapa cute sya. Ang cute!




"Sige, bibili lang ako ng pagkain sa canteen. Dyan ka lang ha?"



Tumango tango sya "Bilisan mo ha?"



"Opo" sagot ko. Hinalikan ko sya sa noo bago umalis.




Naglalakad na ako ng may naalala ako, saan nga ba yung canteen dito? Aist. Hindi ko alam. Dibale, magtatanong nalang ako.




Nilapitan ko yung nurse na may tulak tulak na wheelchair.




"Excuse me.. San nga yung canteen dito?" tanong ko dito




"Sa 1st floor po. Pagkababa niyo kumanan lang po kayo.. Makikita niyo na dun" sagot niya sakin




"Ahh.. Sige. Salamat" nginitian ko sya. Napasulyap naman ako sa babaeng nakaupo sa wheelchair. Nakatulala lang ito. Parang familiar yung mukha niya. Hmmm...




Tinanaw ko lang yung babae habang tulak tulak siya nung nurse hanggang sa pumasok sila sa isang room. Depress or may trauma siguro yun base sa itsura niya. BS Psychology kasi yung course ko kaya may alam akong tumingin sa mga taong may disorder.




Napailing nalang ako. Masyado ko ata kina-career ang pagiging Psychologist? Napangiti nalang ako.





Pumunta na ako sa canteen at bumili ng dalawang burger tapos dalawang C2. Bumili na din ako ng chocolate bar. Gusto ni Kate ng chocolate bar pagkatapos kumain ng burger e. Kilala ko na sya, sa tagal ba naman ng pagsasama namin..




Pagkabili ko agad akong umakyat para balikan si Kate. Nakabusangot yung mukha niya nung datnan ko pero ngumiti din sya nung nakita niya na ako.




"Babe ang tagal mo.. Sabi mo saglit ka lang" nag pout pa sya




"Sorry babe.. Ang dami kasing bumibili sa canteen"




Inabot ko sakanya yung burger, c2 at chocolate bar.





"Yaaay.. Salamat babe!" hinalikan pa niya ako sa pisngi bago kumain.





Secrets to be UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon