13th SECRET

14 1 0
                                    

"Nasa paligid lang SIYA... ang kamatayan" -S2BU








S2BU#13








Rae's POV





Napatigil kaming lahat sa paglapit kay Shey ng makita namin ang tinititigan niya.




Naagnas na bangkay na nakasabit, yung tipong parang nakabigti. Wala itong mga kamay-- putol.




Bumabaliktad na yung sikmura ko kaya hinila ko si Kate at pumunta kami sa lababo sa kusina. Nagsuka ako ng nag suka samantalang nakatulala lang si Kate. Shocked sya sa nakita niya. Badtrip. Pakiramdam ko ang hina ko kasi nagsuka ako. Nakaka diri naman kasi yung nakita ko tapos ang dami ko pang nakain sa bahay kanina.




Nung pakiramdam ko ayos na ako, bumalik ulit kami sa may CR. Ayoko na sanang papuntahin dun si Kate kasi hindi kanais nais yung view pero nagpupumilit siya.




Nadatnan namin na umiiyak si Shey habang nakatulala pa rin ang lahat.




Pakiramdam ko masusuka ulit ako nung tingnan ko ulit yung bangkay pero siguro wala na akong ilalabas kaya hindi na rin natuloy.




Sino ang maaring gumawa nito??




Inaagnas na talaga ang bangkay na nasa harapan namin. Kita na ang laman ng katawan na parang nag nanana na ewan. Ang baho ng amoy. Umaalingasaw pero kahit na ganun hindi pa rin namin magawang umalis o tumakbo.. nanatili lang kaming nakatingin sa nakasusulasok na tanawin.. nakatingin kami dito dahil..





.. may karatulang nakatusok sa ulo ng bangkay-sa mismong bungo nito nakatusok yung kahoy at nasa taas yung malapad at manipis na tablang pinagsulatan ng isang mensahe..





...mensahe ni.. KAMATAYAN?





BAGO KO KAYO SUNDUIN MAGLALARO MUNA TAYO. HANDA NA BA KAYONG MAKIPAGLARO SAKIN? -K





Yan yung nakasulat sa karatula. Parang si Kamatayan ang nagsulat niyan base sa mensahe. Ewan. Handa na ba kaming makipaglaro kay kamatayan?




Biglang napahagulgol si Kate. Dinaluhan ko siya.




"R-rae.. S-si K-kim" sabi niya sa pagitan ng pag hikbi niya




Lahat kami napatingin ulit sa bangkay. Saglit na nanlaki ang mata ko. Tama! Yan yung suot ni Kim nung huli namin siyang nakita. Pantalon na itim at pulang damit na may nakatatak na 'Lévis' sa gitna ang suot niya noon at ng bangkay na nakasabit ngayon.




Masyadong natuon ang atensyon namin sa nakasulat sa karatula at sa naagnas na bangkay kaya hindi na namin napansin na yan nga yung suot noon ni Kim.




Napakawalang puso ng gumawa sakanya niyan. Napaka demonyo!








Erol's POV






Nakakasuka. Nakakadiri. Nakakakilabot. Nakapagtataka.




Yan ang halo-halong nararamdamn ko ngayon. Nakalimutan na namin ang tungkol diyan sa bangkay na yan, but now.. nasa harapan na namin ito. Is this a nightmare?!





Nakita kong palapit sa bangkay si Jayden.




"Jayden anong gagawin mo?" tanong ni Rae dito



Secrets to be UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon