19th SECRET

10 1 0
                                    

"Find the LIE and you will find the TRUTH."


S2BU#19


Gavin's POV


Nagda-drive na ako pauwi sa bahay namin ngayon. Sino kaya yung sinasabi ni Inspector Garcia na "Kesha" ? Walang Kesha sa nakaraan namin kaya I'm sure na hindi yung nakaraan na yun yung tinutukoy sa sulat.


At dahil sa tingin ko mababaliw na ako kakaisip dun sa Kesha na yun, ni-u-turn ko yung kotse ko papunta sa tinitirhan niya... ni Ronnie.


Makalipas ang ilang minuto nandito na ako sa tapat ng bahay niya. Tahimik as usual. Iba kasi ang bahay ng parents ni Ronnie. Mas prefer daw kasi niyang manirahan mag isa kaya humiwalay na siya sa parents niya.


Nag doorbell ako at wala pang isang minuto, may nagbukas na nito.


"Mi-GAVIN?!"


Napatawa ako ng bahagya sa reaksyon ni Ronnie. Gulat na gulat kasi siya sa pagkakita sa akin. Daig pa niya ang nakakita ng multo.


"Zup, Rons? Bakit parang gulat na gulat ka?" nakangisi kong tanong


"I'm not expecting you to come. Bakit ka pala napadpad dito?" tanong niya na nakarecover na sa pagkagulat


"Hindi mo manlang ba ako papapasukin?"


"Ha? Uhm, come in Bro" tapos niluwagan niya yung pagkakabukas ng pinto


Pumasok na ako and as expected, ang ganda ng loob ng bahay niya. Halatang mamahalin ang mga gamit. Well, hindi na yun nakakagulat kasi mayayaman kami.


This is my first time to enter here. Lagi kasing hanggang sa labas lang ako pag sinusundo siya pag may gimik kami o pupuntahan. At hindi naman kami katulad ng mga babae na nag s-slumber party o whatsoever girly stuffs.


"Nice house" komento ko at naupo sa asul na sofa


"Thanks. By the way, bat ka nga pala napadpad dito? Magkakasama lang tayo kanina sa opisina ni Inspector Garcia, diba?"


"I felt bored. Tara shot?" gusto ko talagang mag inom ngayon kasi nakakabaliw na ang mga nangyayari samin ngayon. I want a break.


"Dito?"


"Yep, tutal nandito naman na tayo. Bakit, bawal ba dito?"


"Uhm, hindi naman.. Sige just wait here, kukuha lang ako ng maiinom natin" sabi niya at pumunta na sa bar counter


Tumayo ako at naglibot libot sa sala. Kinuha ko yung picture frame na nasa ibabaw ng cabinet. Napangiti ako... a group picture of A.U's R na kuha mula sa boracay.

Secrets to be UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon