7th SECRET

26 3 0
                                    

S2BU#7








Rae's POV







"Ha? Ano?!" hindi ako makapaniwala sa sinabi nila sakin. Bakit ipapatigil??





Natahimik din ang barkada. Alam kong nakikinig sila sa usapan namin.





"Kakatawag lang ni Mr. Rodrigo samin at sinabi niya na itigil na daw namin ang paghahanap sa bangkay ng anak nila" sagot nung pulis





"Ha? Bakit daw? Nasa kanila na ba yung bangkay ni Kim? Wala pang 24 hours yung paghahanap tapos ipinatitigil na?" nagtataka ako





"Wala pa sakanila pero ayaw na nilang ipahanap. Desisyon nila yun, sumusunod lang kami.. Pero patuloy pa rin naman kami sa pag imbestiga tungkol sa nangyari.. Pag nahanap namin edi maganda pero least priority na namin yun sa ngayon. Sige mauna na—"





"Teka lang!" pagpigil ko sakanila "Hindi naman ata pwede yun.. Hindi makakapayag itong girlfriend ko na hindi na hanapin yung bangkay ng bestfriend niya" si Kate ang inaalala ko. Baka lalo lang syang mastress lalo na't pinatitigil na ang paghahanap sa katawan ni Kim





"Pasensya na Mr. Buenaventura pero mismong pamilya na ng namatay ang nagpapatigil kaya wala na kaming magagawa dun. Babalitaan na lang namin kayo pag may improvement ang pagiimbestiga at paghahanap namin. Sige, mauna na kami." tuluyan ng umalis ang mga pulis.







Pamura nga ng isa.






Tang ina. Paano ko ito ipapaliwanag kay Kate? Ayokong ma stress sya lalo!






"Jayden diba galing ka sa bahay ng parents ni Kim? Bakit ganun? Wala ba silang pakielam kay Kim?" si Jayden yung binalingan ko






"Walang pakialam?" nag smirk sya "Mali ka Rae.. mahal nila si Kim"





"Pero bakit ganun? Kung mahal nila si Kim bakit nila pinatitigil yung paghahanap sa bangkay nila?" ang gulo lang. Mahal daw nila pero ipinatigil ang pag hahanap sa bangkay? Anong klase yun??





Yumuko si Jayden "Akala ko hindi nila itutuloy pero itunuloy parin nila.." saglit siyang napahinto sa pagsasalita "Nung nalaman nilang nawawala yung bangkay ni Kim, nag alala sila.. sobra.. Iyak lang ng iyak si Tita Ana nun. Makalipas ang ilang oras biglang nagsalita si Tito Roy. Sinabi niya na ipapatigil na niya ang paghahanap ng bangkay dahil.. kahihiyan daw ito sa pamilya nila.. pamilya namin.. Hindi simpleng pagkamatay ang nangyari Rae, nagpakamatay si Kim.. isang matinding kasalanan.. Kilala pa naman yung pamilya namin bilang isang tapat na katoliko. Ayaw nilang madungisan ang inaalagaan nilang pangalan. Akala ko talaga plano lang nila yung pagpapatigil kasi seeing them a while ago, sobra silang nalulungkot at the same time nasasaktan pero.. pero ginawa pa rin nila" mahabang paliwanag ni Jayden samin. Bakas sa boses niya ang sobrang lungkot. "..and we don't have any choice about it"






Natigilan ako. Sa panahon ba talaga ngayon mas mahalaga na ang reputasyon kesa sa sarili mong anak?




Bigla kong naalala sila Daddy. Katulad sila ng magulang ni Kim... inuna nila yung reputasyon kaysa sa sarili nilang laman. Tinakwil nila ako dahil sa pinili kong kurso. Sikat kasi sila bilang Politician at gusto nila maging katulad ko sila.. pero ayoko. Mas pinili ko ang pagiging psychologist... 'couz I have my reasons. At dahil dun, they never treated me as before. Nag iba na ang lahat...






Secrets to be UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon