“Read between the lines. They may fool you.”—S2BU
S2BU#17
Katelyn Zhein's POV
Nagulat kaming lahat ng biglang nawalan ng malay si Mikaela. Agad siyang binuhat ni Gavin at inihiga sa couch.
Si Rae ang tumingin kay Mikaela kasi saming lahat siya lang ang maituturing na may kaalaman kahit konte sa medisina. Hinawakan niya yung pulso ni Mikaela "Nahimatay lang siya.. dahil sa init and dehydration. I guess"
Naupo muna kaming lahat. Pinapaypayan ni Bea si Mikaela.
Pakiramdam ko pagod na pagod na yung katawan ko. Pagod dahil sa biyahe at pagod dahil sa mga nangyayari.
"Babe, ok ka lang?"
Tumango lang ako at ngumiti kay Rae.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng may kumatok. Sunod-sunod at malalakas na katok.
"Ako na ang magbubukas" wika ni Ronnie. Hawak niya yung kitchen knife
Nakatingin lang kami sakanya habang dahan-dahang binubuksan yung pinto. Agad niyang itinutok sa dalawang lalaking nakatayo sa pinto yung kutsilyo
"Sino—Woooaaah"
Bahagyang napaatras si Ronnie dahil nakatapat sakanya yung baril nung dalawang lalaki na wari'y handang handa na makipaglaban.
"Inspector!" napatayo si Rae kasama na din kami
Nilibot nito ang paningin at ng marealize siguro nito na wala namang panganib sa paligid ay ibinaba na nila yung hawak nilang baril at tuluyan ng pumasok
"Anong nangyari sakanya?" tanong nila na ang tinutukoy ay si Mikaela
"Nadehydrated lang ho"
Umupo sila sa katapat naming couch
"Ano bang nangyayari dito? M-may nakita kaming patay sa may kalsada kaya hinanda na namin yung baril namin kasi akala namin may nangyayari ng hindi maganda dito sa loob.. So, S-sino yun?"
Nanlaki yung mata naming lahat sa sinabi ni Inspector Garcia. May p-patay? Sino??
Hindi agad kaming lahat nakasagot.. hindi namin alam ang sagot
"Base sa reaksyon niyo mukhang gulat na gulat kayo" nagsmirk si Inspector "Hindi niyo ba talaga alam o... nagpapanggap kayong walang alam?" makahulugan siyang tumingin saamin
"Daef! Kami na nga ang biktima parang pinapalabas niyo pang kami ang salarin ah" naasar na sagot ni Gavin