"All of the games have two similarities; It had a BEGINNING and an ENDING." —S2BU
S2BU#10
Detective Brendon's POV
Halos masuka ako sa nabungaran ko pagpasok sa office ko.
Nasa loob ang bangkay ni Inspector Trillon.. hindi basta bastang pagkamatay ang sinapit niya.
Warak ang tiyan niya at nakalabas ang mga lamang loob niya. Nakakasukang tanawin. Puro dugo na ang loob ng opisina ko.
"Sir ano hong nangyari?" tanong ng kasamahan namin dito sa NBI
"Hindi ko pa alam. Paki contact ang pamilya niya para malaman ng mga ito ang nangyari kay Trillon" utos ko sakanya
Dumating na din ang ibang opisyal dito sa NBI at kinuwanan ng litrato ang katawan ni Trillon. Nilagyan na din nila nga dilaw na harang ang buo kong opisina para hindi makalapit ang iba sa bangkay. Naghanap na rin ng mga possibleng ebidensya.
Napailing ako. Sino ba ang maaring gumawa nito? Aswang?
Pinagmasdan ko ang bangkay niya. Gusto ng bumaliktad ng sikmura ko pero pinipigilan ko. Hindi... hindi aswang ang pumatay dito dahil wala namang bawas ang lamang loob niya. At walang aswang. Hindi yun totoo. Nasa modern century na ngayon kaya hindi aswang ang gumawa niyan.. Baliw at demonyo ang gumawa niyan. Walang awa. Walang takot sa Diyos.
"Sir, may nakalagay ho na papel sa loob ng tiyan niya" sabi sakin nung isang kumukuha ng litrato ni Trillon
Tinitigan ko, meron nga. Halos magkulay dugo na ito pero halatang papel ito pag nilapitan mo.
Nagsuot ako ng gloves at dinukot ito, nakatupi pa.
Pagkabuklat ko..
"AYOKO SA TANGA"
Yan yung nakasulat. Isang normal na bond paper ang sinulatan at pentel pen na asul ang pinang sulat.
'Sino ang maaring gumawa nito?' tanong ko sa sarili ko
Bakit niya pinatay si Trillon? Anong motibo niya at ano ang ibig sabihin ng nakasulat?
Kung sino man ang gumawa nito, napakalas ng loob niya.. mali, nila. Sigurado akong marami sila. Baka grupo ng serial killer o malakas na grupo na minsan ng napabagsak ni Trillon. Ang lakas ng loob nila dahil sa loob pa talaga ng NBI building ginawa ang pagpatay.
Partner buddy ko na si Trillon kaya masakit din saakin ang pagkamatay niya. Siya na yung lagi kong kasama sa pagresulba ng mga kaso simula umpisa kaya AKO ang aasikaso at magreresulba sa nangyari sakanya.
Another case to be solve.
Someone's POV
"Ang saya mo ata" sabi ng lalaking sumasabay na sakin ngayon sa paglalakad dito sa loob ng Austin University
"Syempre.. Nabawasan ang tanga sa mundo e" nakangiti kong wika
"Nabawasan ang tanga?" pag ulit niya sa sinabi ko
"Yep. Pinatay namin yung Inspector na may hawak sa kaso ng pagkamatay ni Kim" sagot ko