S2BU#4
Katelyn Zhein's POV
"ANO??" sigaw ko. Alam kong hindi lang ako yung sumigaw ng ganyan.. hindi ko na alam kung sino pa.
Totoo ba yung narinig ko? Nawawala ang bangkay ni Kim??
"Yes sir.. Kakadala lang namin sa morgue nung bangkay kanina.. Inayos lang namin yung imformation para sa death certificate niya pero pagbalik namin sa morgue, wala na yung bangkay" mahabang paliwanag nung pulis
Dali-daling lumabas sila Inspector. Pupunta daw muna sila sa Hospital.
Tumayo na din ako, susunod ako sakanila.
"Babe san ka pupunta?" tanong ni Rae na tumayo na din
"Susundan ko yung mga pulis Rae. Hindi pwede ito. Nawala yung bangkay niya.. ng bestfriend ko. Kailangan ko malaman kung nasan yun"
"Naiintindihan kita Kate.. Sasamahan kita"
Tumango lang ako sakanya at hawak-kamay na kaming lumabas.
"Ingat" pahabol na paalala pa samin ni Shey at Gavin na nagpaiwan nalang sa HQ
Pagdating namin sa hospital na pinagdalhan daw sa bangkay ni Kim, naabutan namin na kinakausap nila Inspector yung mga tauhan ng hospital..
"Pasensya na po hindi talaga namin napansin"
"Wala po kaming napansin na naglabas ng bangkay"
"Patay din po yung CCTV kanina nung tiningnan namin"
"Pati mga guard wala pong nakita"
Sumasakit ang ulo ko sa mga naririnig ko. Asan na ang bangkay ni Kim?? Pati ba naman ang nananahimik na bangkay pag didiskitahan pa? God!
"Rae.. Asan na? Yung.. yung bangkay ni Kim?" nanghihina kong tanong kay Rae. Nakaupo na kami ngayon sa upuan sa may lobby nitong hospital. Patuloy pa ring nagtatanong-tanong sila Inspector sa iba pang tao sa hospital pati na rin ilang mga pulis.
"Mahahanap din nila yun.. Don't worry" naramdaman kong hinalikan pa niya yung ulo ko.
Sana nga mahanap nila..
Sana..
Sheyleen's POV
"Asan kaya yung bangkay niya?" tanong ko kay Gavin
"Aba malay ko. Himala ata.. nagka interes ka sakanya?"
"I'm just curious.. Bakit naman nanakawin yung bangkay niya, diba?"
"Baka si Kamatayan yung kumuha? Hahaha! Pero alam ko kaluluwa lang naman kinukuha ni Kamatayan e. Hahaha!"
Inirapan ko na lang sya. Hindi matinong kausap. Tss
Kinuha ko nalang yung librong binabasa ko ngayon. Mystery book siya. I like it.
"Shey hindi ka ba nagsasawang magbasa ng libro?"
"Gavin hindi ka ba nagsasawang makinig sa mga rock songs mo?" ginaya ko yung paraan ng pagtatanong niya