6th SECRET

35 4 0
                                    

HartlessKwin Note:

Makikilala niyo ang lahat ng member ng A.U's Royalties. Enjoy Reading. *smiles*






S2BU#6






Bambi Marie's POV





Nakaupo lang ako dito sa ilalim ng isang puno ng mangga habang nagbabasa ng romance book na binili ko kamakailan lang sa National Book Store. Mangilan ngilan lang ang tao ngayon dito sa Austin University. Siguro karamihan sa studyante ay nag sho-shopping na o gumigimik dahil suspended ang klase.




Tanaw ko mula dito ang headquarters ng A.U's Royalties. Nakaramdam nanaman ako ng inggit. Sikat ang members ng A.U's R. Lahat sila tinitingala, ginagalang, kinatatakutan at hinahangaan.




Alam kong imposible pero minsan ko na ring pinangarap na mapabilang sakanila.. sa A.U's R. Pero imposible talaga yun kaya hinahangaan ko nalang sila sa malayo. Nakakainggit.





Perpekto silang lahat.. samantalang ako, lahat ng nasakin ay imperfect.





Simula sa physical appearance ko na nerd hanggang sa family ko. Walang perpekto dun.





Nobody lang ako dito sa A.U. Walang pumapansin sakin.. mali pala, may mga pumapansin din naman sakin.. yung mga taong pinagtri-tripan at pinaglalaruan ako. Yung mga nang bu-bully sakin. Cliché ba? Ganun talaga ang buhay ko dito. Sana nga katulad nalang ng mga nababasa kong romance book yung buhay ko kung saan may knight and shinning armor na magliligtas sakin. Pero wala, at kailangan kong tanggapin ang katotohanan na yun.




Habang naka tulala ako sa HQ ng A.U's R ay nakita ko silang isa-isang lumabas. Waring nagmamadali.




Pinaka huling lumabas sa HQ ay Miss Lori. Napatingin siya sa gawi ko. Ngumiti ako sakanya, ganun din siya tapos nilapitan niya ako.




"Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong niya




"Nagpapahangin lang Miss Lori"




"Magpapatulong sana ako sayong mag ayos ng files sa office. Kung okey lang naman sayo?"




Nginitian ko siya "Sure po"




Maituturing na si Miss Lori ang pinaka ka-close ko dito sa A.U. Siya lang naman kasi ang nakaka kwentuhan ko dito sa twing nasa office niya ako. Siya yung Guidance councillor at secretary ni Miss KZ sa pamamalakad sa A.U. Scholar kasi ako nitong A.U. kaya kapalit nun ay pagiging student assistant ko.




Pagkadating namin, binigay saakin ni Miss Lori yung mga files tapos sinabi niya sakin kung paano yun aayusin.




"Rachelle, pakitawagan nga si Rae. Ask him how's KZ" utos ni Miss Lori dun sa secretary niya



"Uhmm, Miss Lori ano pong nangyari kay Miss KZ?" tanong ko




"Naospital siya. Nahimatay daw"




Nag alala naman ako dahil dun sa sinabi ni Miss Lori.




Pinagpatuloy ko nalang yung pag aayos ko ng mga files ng mapahinto ako dahil sa files na nahawakan ko.




Student files yun ng A.U's R. Iba yung folder na pinaglalagyan nito, kulay blue. Special talaga sila sa A.U.




Una kong binuklat yung folder kung saan nakalagay sa labas ay GAVIN MENDEZ.




Secrets to be UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon