"There ARE reasons behind those acts." —S2BU
S2BU#12
Kesha's POV
Magce-celebrate sila ng anniversary nila?
Nag smirk ako. Maghintay lang kayo, may grand gift ako sainyo.
Tinawagan ko siya.
"Kesha.. Napatawag ka?"
"Magkita tayo ngayon sa hide out"
"Ha? Bakit—"
"15 minutes" tapos binaba ko na yung cellphone ko
Sinuot ko yung jacket na may nakasulat na "Kesha" sa likod. Ang tanging bagay na ginawa at binigay ng pinaka importanteng tao sa buhay ko noon hanggang ngayon.
Sumakay na ako sa motor ko. Wala pang sampung minuto nakarating na ako sa hide out. Nagulat pa ako ng makita ko siyang nakaupo habang nakabusangot ang mukha. Ang bilis naman niya. Tinabihan ko sya.
"Kesha.. Bakit mo ako pinapunta dito? Alam mo bang hating gabi na ngayon. Hindi ba uso sayo yung matulog? Sakin kasi usong uso yun. Alam mo bang napagod ako sa—"
"Yung tungkol sa plano"
Biglang naging seryoso yung mukha niya
"Bakit? Ano ang tungkol dun?"
Sumandal ako sa sandalan at mariing pumikit. Ito na ang simula. Maghintay lang kayo.
Maya maya dumilat akong muli at tiningnan siya "Ihanda mo yung bangkay. Sisimulan na natin"
Murderer's POV
Antok na antok pa ako. Lintek na yan! Pero hindi ako makapapayag na ako lang ang nagdudusa ng ganito. Damay-damay ito mga tsong.
Tinawagan ko yung isa pa naming kasamahan.
"Tang ina!" naiinis kong wika. Nakailang tawag na ako pero hindi niya sinasagot
"Kesha patawag naman"
"Naghihirap ka na ba ngayon at wala ka ng pantawag?" seryoso niyang tanong
Hay. kakaiba talaga siya.
"Hindi ko kayang ayusin yung bangkay ng mag isa. Tatawagan ko 'siya'. Hindi niya sinasagot pag number ko yung gamit kaya sayo nalang" paliwanag ko
Ngumisi siya "Magandang ideya. Oh eto na" inabot niya sakin yung cellphone niya. Saglit na natigilan ako ng makita kong siya yung wallpaper niya. Ang dahilan ng lahat.
Nakadalawang ring palang sinagot na niya agad. Gago talaga 'to. Pag si Kesha talaga, ang bilis niya.
"Kesha bakit—"
"Ulul! Ako ito"
"Teka. Bakit nasayo ang cellphone ni Kesha?! Magkasama ba kayo?!"