5 PM

159 18 5
                                    

Nagwwork ako sa isang call center company, isa ako sa mga pasaway na agent actually nangunguna ako lagi pag dating sa kalokohan. One time imbis na magcall ako nakipagkwentuhan ako sa kateam ko kase sobrang nakakatamad so pinilit ko sya na wag muna magcall kase wala namang supervisor .. Love storries, comedy, family problem hanggang napunta na sa horror yung kwentuhan namen ..
nakwento nya saken yung tungkol sa payatas, syempre alam naman naten na gabundok na basura yung meron don, so eto nga way back 1993 daw dun pa sila sa payatas nakatira, layo layo daw yung bahay non, kubo simpleng pamumuhay etc. compare ngayon .. may kapit bahay silang buntis, ever since maliit palang yung tiyan ng kapitbahay nilang buntis inaaswang na sya. may time pa nga na laging may nakatitig sa kanya na matandang babae pero di naman nya kilala dahil di taga don yung matanda, tuwing tanghali dumadaan yung matanda sa tapat ng bahay nila alam naman na nya na aswang yun kase dba nga yung instinct ng buntis ganern, halos gabi gabi syang di makatulog, pinagpapawisan, at may kung anong naglalakad sa paligid ng bahay nila pag pagabi na .. dahil nga alam ng asawa nya na inaaswang sya sobrang pag iingat yung ginawa nila hanggang sa manganak si ate girl ! 2 araw matapos nyang maipanganak yung iniingatan nilang baby, dahil sa sobrang pagod at antok nakatulugan ni ate girl yung anak nya sabay silang tulog ng asawa nya, bali yung posisyon ng pagtulog nila (asawa nya, si ate girl tas yung baby then bintana) imagine mo bes nasa gilid ng bintana si baby! 5 pm si ate girl nakaidlip siguro after 20 mins, lang nagising sya magbblue na yung langit, bago sya magising naisip pa nya na ang sarap ng tulog ng baby ko di kase umiiyak papikitpikit pa yung mata ni ate girl .. but suddenly pagkita nya sa baby nya puro dugo yung puting damet neto, tas wala ng lamang loob! bes naiyak talaga ako yung naiimagine ko itsura ni baby! ala singko palang ng hapon yun ah may liwanag pa yun syempre, halos ikamatay daw ng mag asawa yung nangyari that time, may nakapagsabi din sa kanila na may nakakita daw ng malaking ibon galing sa bahay nla papunta sa bundok ng basura .. alam daw ng matatagal ng nakatira sa payatas yung kwento nato hanggang ngayon daw meron parin, actually anywhere kahit sa syudad meron paring aswang! matapos naming magkwentuhan ng kateam ko pota kanina pa pala nasa likod supervisor namen king ina memo agad bes!

Vote!!!

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon