Tatlong Dwendeng Itim

46 10 0
                                    


May isheshare ako about sa 3 dwendeng itim. Nung una di ako naniniwala sa mga sapi/dwende/kapre etc. May 21 2015 nakaramdam ako ng sama ng pakiramdam at parang hirap akong bumangon. Nagtataka ako kung bakit. Kaya naisipan kong humiga ako sa kwarto nila lola. Habang nanonood sila ng misteryo. Natulog nako. nagising ako dahil may tumatawag sa pangalan ko. Nagtataka ako kung nasan ako. Maganda ang pagkakaayos ng kwarto. Parang nasa loob ako ng puno. Lumabas ako at nakita ko ang mga dwende *nalaman ko dahil sa itsura ng suot nila at tenga*. Nakapagtataka dahil hindi sila maliliit. Ka tangkaran ko lang ang mga ito. Napatingin sila sakin ng nakangiti at inaaya nila ako na makipag laro sa kanila. Tumanggi ako dahil masama ang pakiramdam ko. Umupo ako sa damuhan. Habang pinapanood ko sila maglaro, may napansin akong kakaiba. Maitim ang bahaging kanan na lugar at may isang tuyo't na puno ang nandoon at walang dahon maski isa hindi gaya ng kinaroroonan ko makulay at masagana ang puno pati ang mga dwende. Biglang may lumapit sa akin. Ang sabe niya "wag kang pupunta jan dahil papahirapan ka lang" at ngumiti siya sa akin. Maya maya nalang ay biglang sumakit ang ulo ko at parang may nahatak sa akin. Ng matapos yun ay nagising ako. Nagulat nalang ako dahil nasa sala ako. Ang lola at mga tito tita ko ay iyak ng iyak na nakatingin sakin. habang nakayakap sakin ang tita ko.
Ako: anong meron tita?
Tito: haysss buti naman pinakaba mo kami.
Tita: *hinalikan sa noo* dasal ka lagi ha?
Ikinuwento nila ang buong nangyari. Sinapian daw ako at nagiba ang boses ko. Naging boses bata. Pinagbihis nila ako ng panibagong damit dahil pupunta kami sa albularyo para makasigurado na wala na daw sa aking katawan ang sumaping dwende.
10pm ng gabi ay napagdesisyunan na nilang umalis at pumunta sa Via verde. Habang nasa byahe na kami, ay bigla nalang nagbago ang paligid. Hinanap ko ang lola ko pati ang tita ko. Mejo madilim ang lugar na kinatatayuan ko. Ang tanging natatanaw ko lang ay pitong bundok. Habang pinagmamasdan ko ang paligid. Nakakita ako ng tatlong itim na dwende. Nagsimula silang ngumiti at niyayaya ako na takbuhin ang pitong bundok. Nung una ay umayaw ako dahil masama ang pakiramdam ko. Pero biglang namula ang kanilang mata at ngumisi. Natakot ako bigla sa itsura nila. Kaya tumakbo na sila at agad ko silang sinundan dahil natatakot akong mag isa sa lugar na yun. Hirap na hirap ako sa pag akyat dahil sa sobrang bigat ng katawan ko na parang may nakapasan sakin. Habang tumatakbo ako di ko na sila naabutan. Dumerederetso ako sa pagtakbo kahit hingal na hingal na ako at pagod na. Ng makalipas ang ilang oras kakatakbo ay parang may humahatak sakin pababa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya napaiyak nalang ako sa nangyayari. Pero laking gulat ko biglang nagdilim ang paningin ko at pag mulat ko ng mata ko ay nakita ko ang lola ko at mga tito tita ko. Basang basa ang damit ko at ramdam ko ang pagka hapdi ng mata ko. Parang totoo ang mga nangyayari. Ikinuwento saken kung ano ang nangyari nung oras na yun. Hindi ako makapaniwala sa mga kinuwento sakin. Naninipa. Nagwawala. Nandudura. At nagbabago daw ang aking mata. At binanggit niya din na isa sa itim na dwende ang sumapi sakin na nakatira sa likod ng bahay namin. Dun pa naman ako madalas tumambay. Sabi lang niya saken na mag alay ako maski candy o chocolate para di na daw ako gambalain.
Simula nun hindi na ako tumatambay sa likod ng bahay namin. May 29 ang sagala namin ay ako ang reyna elena. Nagbigay ako ng chocolates sa puno kung san sila nakatira. Simula din nun naging mapayapa na ang buhay ko.
Sorry po kung masyadong mahaba ang kwento ko.

Vote!!!

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon