Noong Araw daw, Kapag my lagnat ka mas malakas ang chance namaka kita ka ng mga elemento at pag laruan ka nito. Ito ay hango sa kwento ng aking Lolo at tatay.
Sa batangas lumaki ang aking pamilya, Noon ay marami nang kababalaghan ang nagaganap o nararanasan ng mga taga samen dito sa baryo.
- Ako Si Boy (di tunay na pangalan) 12 dalawang taong gulang ako noon ng naranasan ko ang mga di kaayang ayang pangyayari.
dahil sa bukid kame nakatira lupa ang tinatrabaho namin ng tatay ko.Isang araw hindi maganda ang pakiramdam ko ngunit kailangan pa rin naming mag igib ng tubig sa ilog.
Umuwi kame sa kubo namin para kumuha ng balde.
Ama: toy kunin mo ang mga balde sa silong.
at dali dali ko nman ito kinuha.
sumipol si ama at nakangiti sa akin pumayapay saakin at lapitan ko daw sya. Lumapit kaagad ako ngunit nag lakad sya palayo ng bigla ako hinampas ng tali ni ama galing sa likuran ko. Nag taka ako kung paano sya nakapunta ng mbilis sa aking likudan . Hindi ko na lamang ito pinansin bagkos kinuha ang mga balde.
Binabaybay namin ang daan pa-ilog ng may nakasalubong kaming kakilala .
Ate: Kuya Marcos wag nyo ilayo si boy masyado sa inyo may kasunod ho kayo.
sambit ni ate sa aking ama.
Nag patuloy kame s ilog hindi nga ako pinapa layo ni ama sa kanya.
Sumasalok kame ng tubig mula sa bukal ng meroon lumag lag na buko, sinundan ito ng lumalagas gas na ingay mula sa isang puno at pumatak sa tabi ko ang mangga na animoy ibinato , nasundan pa ito ng apat na pag bato ng mangga , Nag pa umanhin ang aking ama kung may nagambala man kami, inipon ng aking ama ang mga bagay na ibinaato saa amin, at ng kami ay paalis na sa bukal naging putik na minolde sa bilog ang mga ito. Dali dali kameng umahon sa lugar nauuna ang aking ama, tumatawid kame sa ilog na mabato at kung anong aapakan na bato ng aking ama ay un din ang sa akin, Unang tapak ay walang problema,, tumalon ang aking ama sa bato at sinundan ko naman ng bigla na lamang ako lumubog sa tubig sa kadahilanang nawala ang tinalunan kong bato, agad akong tumayo ngunit hinila ako ng isang anyong tao kalahati ay sa kabayo. Nag wala n lamang ako dahil hindi ko alam ang aking ggawin.
Nang bigla nalamang narinig ko ang pag tawag ng aking ama! "Boy! Boy! lintik na bata ka sinabi ko nasayong wag kang lalayo saakin halika't iahon na natin ang mga balde" Napatahimik na lamang ako at napaisip "sino kaya ung sinusundan ko" Pinalo muli ako ng tali ng ama ko. Ngayon siya nga ang Ama ko.
Pag kaahon naman namin galing sa ilog ay mag aalas sais na nang hapon(6:00pm) Binabaybay namin ang mga punoan na iilang mangga at karamihan ay puno nang niyog. Sa pag baybay namin pabalik ng kubo ay may nakita akong isang lalake tinatapik ng bahagya ang puno ng niyog at nalalaglag ang bunga ngunit pag sulyap ko sa kaanyang kalaghatian ay ito ay may sa kabayo. Sa takot ay itinuro ko sa aking ama at agad niyang binigkas na "hayaan mo yang kaibigan ko malaro talga sya Boy" (nakangiti nitong sabi) nagimbal ako sa aking nakita napababa ang aking mata sa paanan ng aking ama! Kumaripas ako ng takbo dahil sa pang tikbalang ang kanyang mga paa!! Humihingaal akong nakarating sa aming kubo dala ang balde ng tubig. Sinalubong ako ng aking kapatid na babae "lagot ka ke ama mapapalo ka". Pang aasar na sabi nya. nagalit ang aking ama sa aking dala dala ang akala kong balde ng tubig na aking dala ay kalahating balde ng buhangin pala.
-Wakas
Ang lalaking aking nakasama ay hindi ang aking ama kundi engkanto na pinag laruan ako.Vote!!!
BINABASA MO ANG
Horror Stories
HorrorAng mga kwento ay batay sa mga tao na naka experience ng nakakatakot na pangyayari sa kanilang buhay