Hi po. This is my first time na mag share ng story about my expirience. I hope na ma e feature po eto slightsmile emoticon so eto napo. Simula palang po maliit ako. Mahilig napo ako sa mga horror movie. Hindi lang mahilig. Collection kona rin po yun. Katulad po ng mga horror book or Cds na puro horror ganun po. Actually matatakotin po talaga ako kahet na mahilig ako sa mga horror. Hanggang sa naipalabas yung movie na conjuring. Sabe ng ate ko totoong nangyare po yung movie nayun. Nung nalaman koyun parang na excite ako. Ayun pinanuod kopo. Hanggang sa may lumabas ulet na conjuring2 na trending yun. Na sinasabe nila na magdasal muna bago panuorin dapat may kasama, dapat pagkatapos daw po panuorin pumunta kaagad sa pari. Ewan koba sakanila. Nung una hindi ako naniniwala. So I decide na panuorin. In cinema. Nang nasa loob napo ako dun ako umupo sa pinaka gitna para kitang kita ko ng maayos yung screen. Nung una medyo ako nabobored. Pero nung kalagitnaan na ng movie bigla po akong kinabahan. First time ko pong naramdaman yung feeling nayun. Iba po kase sya sa mga napanuod kona horror movie. Pinag papawisan po ako kahet na sobrang lamig sa loob. Hindi ko nalang pinansin yun.
*fast forward*
nung natapos nayung movie. Hirap po akong makatayo. Parang may humili sa paa ko pababa. Atska ang bigat bigat ng katawan ko ng mga oras nayun.. Unti nalang yung tao sa loob. Pinilit kona tumayo kase ayukong mahuli. Nang malapit na ako sa exit napansin ko namay nakasunod pala sa likod. Gusto ko sana syang paunahin kase mabagal yung pag lalakad ko. Tumingin ako para kausapin sya pero pag katingin ko bigla nalang syang nawala. Bigla akong natakot. Hinanap kosya. Tumingin ako sa kaliwat kanan ko. Tapos nagulat ako kase nakaupo sya sa niuupuan ko kanina. Sobrang takot na takot ako sa mga oras nayun. Napatakbo nalang ako palabas. Hindi ko na maramdaman yung sakit ng paa ko dahil sa takot. Pag katapos ng moment nayun. Hindi na matahimik yung buhay ko. Tuwing sa bahay naman. Sa tuwing ako lang mag isa sa bahay. May nakikita akong anino sa corner. Hindi ko alam kung lalake o babae. Minsan naman. May bumubulong sakin. Hindi ko din naman maintindihan. At minsan din naman may kumakalabit sakin sa likod. Kahit na walang tao sa likod ko.
Hanggang dito nalang po muna. Kayo na po bahalang manghusga. Kayo narin pong bahala kung maniniwala kayo o hindi.
Salamat.Vote!!!

BINABASA MO ANG
Horror Stories
HorrorAng mga kwento ay batay sa mga tao na naka experience ng nakakatakot na pangyayari sa kanilang buhay