Hello? ang pangalan ko ay Shun (Hindi tunay na pangalan), Nais ko Lang i-share sainyo ang creepy experienced naming magkakaibigan nang naligo kami sa Dagat.
11am ay tumungo kami nang mga kaibigan ko sa dagat. Si Jomar isa sa kaibigan ko na kasama namin ay masayahin at palakwento hanggang sa nakarating nga kami doon sa paliliguan namin. Naglaro muna kami nang pabilisan maghanap nang bato habang itatapon ito. Gets nyo? Ganun nga yung nangyari, hawak ko ang bato at tinapon ko ito sa malayo. Ako at si Jun ay hinahanap ang batong yun habang si Jomar may nakitang kakaiba sa ilalim nang dagat kaya tinatawag niya kami, may nakita siyang kakaibang bato. Unang tingin ko palang sa batong yon parang natatakot na akong kunin maging si Jun ay ganun rin ang feeling kaya si Jomar ang sumisid para kunin ang batong yun, Kitang kita nang dalawang mata ko na nakuha ni Jomar ang bato pero nang pag ahon niya wala naman siyang hawak na kahit ano? Ang nakapagtataka pa ay yong biglang nagbago ang mood niya. Nakakakilabot promised . Parang hindi na si Jomar ang kasama namin. Hindi na siya umiimik, di na niya kami kilala at ang sama nang tingin saamin. Kahit natatakot kami ni Jun that time di parin namin pinabayaan si Jomar. Dahil 4pm na nagdecide na si Jun na uuwi na kami, kinabahan ako bigla nang magsalita si Jomar nang..
Jun: Uwi na tayo?
Jomar: Umuwi na kayo, dito lang ako
Ako: Hindi pwede, sama sama tayong uuwi
Jomar: Di ko kayo kilala, umalis na kayo! Saakin na ang katawang ito.
Sa totoo Lang ang lakas na nang kaba ng dibdib ko, ang boses niya kasi ibang iba sa boses ni Jomar. Hahawakan na sana namin siya ni Jun para pwersahing umuwi nang bigla siyang tumakbo! Syempre hinabol din namin nang nahawakan namin siya parang feeling ko wala kaming lakas kasi parang wala Lang sa kanya ang higpit nang pagkakahawak Namin, parang may super power siya kasi kahit ipagsama ang lakas namin ni Jun di parin namin kayang tapatan ang lakas niya... Fastforward, in the end nadala din namin siya sa pangpang at nagpatulong kami sa Lima pang tao, Imagine? Pito na kami ah pero kaya niya pa kami Dinala namin siya sa albularyo, agad naman siyang ginamot... Nakita doon na gustong kunin nang kaluluwang sumanib sa kaibigan ko ang katawan niya, Sa pagkakatanda ko ganito Kasi ang eksina habang kinakausap siya nang albularyo.
Albularyo: Ano ang kailangan mo sa batang ito?
Jomar: Akin na ang katawang ito! Papatayin ko ang pumatay saakin!!
Albularyo: Ano ba ang nangyari sayo nang nabubuhay kapa?
Jomar: Masaya kaming naliligo sa dagat (Yung pinagliguan Namin) Kasama ko ang gf ko pero may taong nag trip saamin pinatay kami at ang katawan Namin ay pinagpira-piraso at tinapon sa dagat. Gusto Kung maghiganti Kaya akin na ang katawang ito!
Albularyo: Hindi pwede dahil Kay Jomar ang katawang Yan! Kung May nagawa man siya o nabulabog niya kayo, patawarin nyo na siya!
Napakiusapan Naman ang kaluluwang yun ang tanging gusto niya Lang daw ay hustisya sa pagkamatay niya at gusto niya ipagdasal ang kaluluwa nila magkasintahan at ipaalam sa magulang niya na patay na sila!! Oo binigay saamin nang kaluluwa sumanib Kay jomar ang pangalan niya at Kung saan siya nakatira agad namang pinuntahan Yun nang mama ni Jomar. Ikunuwento nang mama ni Jomar ang nangyari sa pamilya nang kaluluwa ang gustong iparating nang anak nila na patay na siya, iyak nang iyak ang mga magulang nang kaluluwa. After nun umalis na yun sanib sa katawan ni Jomar ang sabi nang albularyo ang kaluluwa nilang itim at galit na galit naging puti na raw at nagpapasalamat. Ang kaluluwa ni Jomar naiwan daw doon sa dagat Kaya ang ginawa nang albularyo dinala ulit namin ang katawan ni Jomar doon sa dagat kung saan kami naligo at doon pinabalik nang albularyo ang kaluluwa ni Jomar sa katawan niya. After ilang minuto nagising na si Jomar sabay yakap sa mama niya iyak nang iyak, ayon sa kwento ni Jomar iniwan daw Namin siya doon sa dagat mag isa hanap daw siya nang hanap saamin pero di niya kami makita lakad daw siya nang lakad doon pero pabalik balik Lang daw siya. Nakwento nga Namin sa kanya ang nangyari na may sanib siya pero di niya daw Alam. Pero nagpakita daw sa kanya ang kaluluwang lalaki at babae at nagpasalamat.
Sana ay nagustuhan nyo! Habang tinatype ko ito bumabalik saakin ang mga nangyari. True to life story po ito..Vote!!!

BINABASA MO ANG
Horror Stories
HorrorAng mga kwento ay batay sa mga tao na naka experience ng nakakatakot na pangyayari sa kanilang buhay