Buntis po ako nitong 2017, mga June po siya. 6 month na po ang tyan ko. 3:00am, nagising kami ng asawa ko kasi may kumakaluskos sa bubong namin, natakot naman ako. Eh di napahawak ako sa tyan ko. Then yung asawa ko naman kinuha nya yung samurai sa gilid nya. Ang ginawa nya minura nya muna. Ako naman natakot ng husto kasi nagalit lalo yung aswang na nasa bubong namin. Nag wala ang aswang lalo parang pinag hahampas nya ang bubong namin ng pa ikot. Nagalit ang asawa ko, ginawa nya minura nya ulit yung aswang na nasa bubong, ayun nanaman nagalit na naman sya. Nag wala na naman sa bubong namin, ako naman takot na takot hawak hawak ko yung tyan ko. Pinuprotektahan ko din yung tyan ko. Nilagyan ko ng unan at umupo ako sa gilid ng kwarto namin. Ginawa ng asawa ko, kinuskus nya sa sahig yung samurai biglang tumahimik yung nag wawala sa bubong namin. Parang naka tunog ako sabi ko wag niya nang murahin kasi nagagalit ang aswang lalo. Nung kinuskus niya ang samurai lumipat sa kabilang bubong ang maingay na aswang, eh ang mga kapit bahay namin puro buntis din kaya nakakatakot. Kinabukasan kwento sakin ng matanda sa tapat ng bahay namin, may nakita daw syang malaking ibon na lumipad galing sa bubong namin. Kahit yung anak ng matanda sa tapat ng bahay namin, narinig naman din nya yung malakas na bumangga sa antena namin sa second floor. Narinig din pala nila pero binalewala na lang. Ang sabi sakin ng matanda sa tapat ng bahay namin, nasundan daw ako ng aswang kasi maamoy daw pag buntis. Kaya wag na daw akong lumalabas ng gabi.
Kaya sa mga buntis dyan or sa mga may buntis na asawa niyo. Sana maging aral sainyo 'to. Wag kayong lalabas ng gabi. Mag tabi lang kayo ng matatalim na bagay sa tabi, katulad ng gunting para sa dila ng aswang.
Salamat sa pag babasa.Vote!
BINABASA MO ANG
Horror Stories
HorrorAng mga kwento ay batay sa mga tao na naka experience ng nakakatakot na pangyayari sa kanilang buhay