Cellphone

101 18 1
                                    

Nangyari 'to last month. Hinding hindi ko talaga makakalimutan to.
Nagvacation sila mama at papa sa Baguio para bisitahin yung maternal grandparents ko, gusto ko man sumama kaso hindi pwede kasi may pasok ako, so wala akong choice kundi magpaiwan na lang. Sabi nila 3 weeks daw silang mag ii-stay sa baguio so tinanong ulit ako ng mama ko kung gusto ko ba sumama at kung kaya ko daw ba mag-isa lang sa bahay. Um-oo na lang ako. Anyway hindi talaga ako naniniwala sa multo DATI.
Sept 21, 2015
Umuwi ako galing ng school, ibinaba ko lahat ng bitbit ko sa kama ko, pati yung phone ko. Hindi na ako nagdinner dahil nga pagod na pagod na ako. Dumiretso ako ng CR para maligo. Magbabanlaw pa lang ako nang biglang kumahol si Lookie, shih tzu ko. Sa sobrang gulat ko, nadulas ako, kaya lumabas ako ng cr ng iika-ika. At nakita ko yung cellphone ko nasa tabi ng electric stove na kusang nagbukas mag isa. Habang si lookie naman ay tuloy pa rin sa pagkahol sa tapat ng kalan. Nagtataka ako kung panong napunta duon yung cp ko eh tandang tanda ko nilapag ko yun sa kama ko. Pero binalewala ko na lang yun.
Sept 22.
Nakarating ako ng bahay galing sa school, and as usual pagod ulet, lol. Natulog ako kahit na suot ko pa rin yung uniform ko. Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Sinilip ko yung phone ko, t*ngn* yung notification ko sa fb, umabot ng kulang 200 eh. Ang daming pictures na naka-upload (which is uploaded like 8hrs ago). Lahat yun puro mukha ko, natutulog ng nakasuot ng uniform. Andaming comment puro pang-aasar like ""Ang panget mo pala matulog"" ""Girl, Idelete mo yan, kadiri"". Chineck ko yung gallery ko at nanlaki yung mata ko sa nakita ko....
Nakita ko yung sarili ko habang natutulog ako na may kasamang dalawang bata sa picture, mejo blurred nga lang. Sa tingin ko pinag aagawan pa yata nila yung cp ko. Haysss.
Simula non di na ko nagpaiwan sa bahay. Halos 1 week din akong tulala dahil sa pangyayareng iyon.

Vote!!!

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon